Friday, March 8, 2013

Love This Time Around



 So, finally I summoned enough courage to take a step forward towards my dream of being a romance writer. This is a manuscript I submitted to publication company (PHR), in hopes of being one of their writers. Expectedly (since this is only my first try), this manuscript got returned, for reasons I will not specify.
 Chapter 1
“Shucks! 5 minutes na lang at first bell na!”
Llakad-takbo ang ginagawa ni Ruthie papuntang school. Hindi pa siya nakakapasok ng campus at malapit na ang unang tunog ng school bell, hudyat na mag-uumpisa na ang flag ceremony at morning prayer ng eskwelahan. 
            Araw- araw na lang, ganito na ang routine niya. Kahit maaga namang gumigising, nauuwi pa din siya pagmumuntikanang pagka-late. Talaga nga sigurong mabagal siyang kumilos, kaya naman tinutukso siyang ‘pagong’ ng mga kaibigan nya.
            Minsan kahit nagmamadali ay talagang nale-late siya at nauuwi sa detention pagkatapos ng klase. Hangga’t maaari ay ayaw niyang ma-detention dahil pinalilinis sila sa school grounds kasama ng iba pang mga estudyanteng late din. Sa dalawang beses nyang na-detention sa nakalipas na buwan, palaging malapit sa basketball court ang assignment niya at hindi maiiwasang makantyawan sila ng mga nagpapraktis na varsity players. Hindi naman sobrang kantyawan ang nangyayari, ngunit hindi maiiwasang pagkatuwaan sila ng iilang mga pilyong varsity players at cheerleaders. 
            Hangga’t maaari, ayaw niyang napagkakatuwaan o tinutukso, dala na rin siguro ng pagiging mahiyain at ng inferiority complex. Tingin niya sa sarili ay lampa, payatot at pangit. Hindi niya binibigyang-pansin ang maganda, makapal at tuwid na tuwid niyang buhok, ang makinis niyang kutis o ang cute niyang mukha. Dahil na rin ito sa kadalasan ng kasabay nyang mga babae sa high school ay marurunong ng mag ayos ng sarili at magaling ng magdala ng damit. Sa sosyal na campus na iyon, kakaunti lang silang ‘geeky’.   
Palagi siyang nakatungo kung maglakad, tahimik sa klase at minsan lamang sumasali sa mga extra-curricular activities ng school. Piling-pili nila ng mga kaibigan nya ang mga activities na sinasalihan nila, yung tipong hindi nag-iinvolve ng anumang klase ng presentation. Takot kasi siyang mapahiya at higit sa lahat, takot sa rejection. Iyon ang dahilan kung kaya napagkakamalan siyang mataray at suplada ng mga kaklaseng hindi masyadong nakakakilala sa kanya. Sa tatlong taon niya sa eskwelahang iyon, apat lang silang magkaibigan, simula pa noong first year high school sila. Dahil parehong hilig ang magbasa kaya magkasundong magkasundo sila. Magkakaklase sila nung first year at mabilis na nagkasundo sa mga gusto at di nila gusto. Nangunguna sa mga di nila gusto ay ang mga sosyal na mga kaklase nilang babae na walang ginawa kundi ang magpaganda at magpapansin sa mga gwapong varsity players ng campus. Okay lang naman sana kung pinapabayaan din lang sila ng mga ito. Ang kaso, hindi lumilipas ang linggo ng hindi sila nakakantyawan ng mga ito tungkol sa itsura nila.
            Tulad ng araw na iyon, hindi na niya naabutan ang first bell ng makapasok sa classroom kaya tiyak nyang madedetention na naman siya. Ngumiti na lang siya sa bestfriend niyang si Karyn at nilapag ang gamit sa nakatalagang armchair niya. Kailangan pa niyang magpunta sa guidance office para ilista ang pangalan niya sa listahan ng mga madedetention ng araw na iyon. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang tatlong babaeng kaklase niyang nagbubulungan at nagtatawanang nakatingin sa kanya. Naiinis man, wala din siyang magawa para sitahin ang mga ito. 
            Nagmamadali na siyang naglakad papuntang guidance office at dahil nakatungo na naman, hindi niya napansin ang kasalubong na estudyanteng palabas ng naturang opisina.
‘Ay!’ impit na tili nya bago natumba. 

            ‘Oops!’ ani Sean nang bumangga sa kanya ang isang babaeng estudyante pagkalabas niya ng guidance office. Huli na para mahawakan niya ito at hindi matumba.  Tinulungan na lang niya itong makatayo at humingi na lang ng paumanhin. “Sorry, miss..” aniya at hindi maiwasang mapansin kung gaano kalambot ang mga kamay nito. Napatingin tuloy siya sa mukha nito at napansing pulang-pula ito, siguro sa pagkapahiya. Ganunpaman, napansin niyang cute ito, hindi nga lang niya masyadong natingnan ang mukha dahil kahit tumango ito sa kanya, nakayuko pa rin ito at nagmamadali nang pumasok sa guidance office. Napakibit-balikat na lumakad na lang siya pabalik sa classroom para sa unang klase niya.

            “Pare, nagyayaya si Faye sa kanila this weekend, pool party daw,” sabi ni Roy pagkatapos ng huling klase nila ng araw na iyon. Ka-team niya ito sa basketball at kabarkada rin. Ito ang laging kasa-kasama niya. Kababata niya rin kasi ito, magmula elementarya hanggang ngayong magtatapos na sila sa highschool, kaibigan na niya ito.
            “ Talaga? Sinu-sino daw ba ang pupunta? Baka naman siya lang ang chick dun, alam mo naman yun, ayaw naaagawan ng atensiyon ko,” pabirong pagyayabang pang sabi  niya.
            “No worries pare, tinanong ko na yan.  Siyempre andun din yung dalawang ‘bffs’ niyang sina Angela at Claire. Mag-iinvite din daw sya ng ibang friends niya from St. Paul.”
            “ Ay, di magaling! Sige, punta tayo this weekend, masaya pala yan, eh.”
            “ Okay na ‘bro ha, iko-confirm ko na to..” Pagkatapos ay tinext din agad si Faye.
            “ Sure, ‘bro. O sige, punta muna akong library sandali at may tatapusin akong report para sa English Lit eh. Kita na lang tayo mamaya sa practice.”
            “ Sige, ‘bro.”
           
Tinatamad na naghahanap ng libro si Sean sa library ng hapong iyon. Hangga’t naiiwasan niya, ayaw niyang nagpupupunta duon dahil hindi niya nakahiligan talaga ang magbasa ng kung anu-ano. Likas siyang matalino ngunit ayaw talaga niya ng research. Mas gugustuhin niyang maglaro o magsolve ng math assignments o di naman kaya atupagin ang computer niya. Kailangan lang talaga niyang tapusin na ang report niya dahil isa ito sa mga requirements para maka-graduate. Fourth Year high school na siya at kahit pa miyembro siya ng school basketball team nila, hindi niya dapat pabayaang bumaba ang mga marka niya. 
            Pabalik na siya sa table dala ang mga librong kinuha niya sa estante ng mapansin niya ang babaeng nakaupo na sa harap ng upuan niya. Nagsusulat ito habang may nakabukas na libro sa harap nito. Naiinis man ng konti dahil ayaw niya ng may ka-share sa table, wala na din siyang magawa dahil wala ng bakanteng table sa Library. Iyon nga lang table nila ang pinakabakante sapagkat dalawa lang silang nakaupo. Nakatawag pansin sa kanya ang isang kamay nitong nakapatong sa libro na tila tinatandaan kung saan ito huminto sa pagkokopya sa notebook nito. 
            Teka, ito yung babaeng nabunggo ko nung isang araw ah…yung me magandang kamay…
            Awtomatikong napatingin siya sa mukha ng babae. Hindi niya kasi masyadong nabistahan ito nuong una niya itong nakita dahil nakatungo ito. Alam niyang cute ito pero gusto niyang usisaing mabuti ang mukha nito, dahil na rin sa kuryusidad. 
            Salubong ang kilay nito sa pagko-concentrate sa ginagawang research. Her small but full lips were pursed in concentration. It was as if she was not aware of what was happening around her. She only had her attention on the book she was reading and the notes that she were taking. 
            She looks very scholarly but very cute as well.  Medyo thick-rimmed ang suot nitong salamin ngunit hindi naman masasabing pangit yun para dito. She had softly arched eyebrows, a small, pert nose and thick eyelashes. Hindi niya makita kung ano ang kulay ng mga mata nito dahil baka naman mapansin na siya ng babae.  Napansin din niyang tuwid na tuwid ang buhok nito na nakalugay lang.  Nakaipit ang buhok nito sa dalawang tayngang may maliit na diamong stud earrings. Natutukso tuloy siyang haplusin iyon, para lang tingnan kung malambot din ba yun, tulad ng mga kamay ng babae…
           
Kanina pa napapansin ni Ruthie na pasulyap-sulyap sa kanya ang lalaking ka-share niya ng table sa library. Hindi lang niya masita ito dahil nahihiya siya. Baka  isipin naman nitong assuming at feeling maganda siya na tinitingnan nito. Sinulyapan niya ito saglit at pumasok sa isip niya ang lalaking nakabunggo niya nuong isang araw na na-late siya. Sean Hontiveros ang pangalan nito at alam niyang sikat ito sa campus dahil bukod sa gwapo at mayaman, miyembro din ito ng basketball varsity team. Magaling itong maglaro, center/forward ito ng team at maraming mga nagagandahang highschool students ang nagpapapansin dito. 
            Hindi masasabing suplado ito ngunit hindi rin naman masasabing friendly. Kadalasang nakikita niya ito sa campus kasama ang mga kabarkada nito at ilang mga babaeng sosyal, kasama na doon ang kaklase niyang si Faye na Captain ng cheerleading team ng school.  Ang grupo nito ang mga tinuturing na ‘Elite’ ng eskwelahang iyon. Bukod kasi sa magaganda at gwapo, mayayaman din ang mga pamilya ng mga ito. Ang St John’s Academy ay isa sa pinakamahal na private schools sa San Nicolas. Ito at ang mga kaibigan nito ay duon na nag-aral simula nursery hanggang highschool kaya naman hindi maipagkakailang mayayaman talaga ang mga ito.  Mga katulad ni Sean at ng mga kaibigan nito ang mga tipo ng taong iniiwasan nila ng mga kaibigan niya. Nakatatak na kasi sa isip nila na mapanghusga ang mga ito porke’t mayayaman at magaling magdala ng mga sarili. Sa ganuong edad kasi, malakas ang peer pressure at kung hindi ka sunod sa uso ay matatawag kang ‘outcast’ o ‘geek’. Hindi kasi nila nakasanayang apat ang mag-ayos ng sarili ng ayon sa uso. Wala silang masyadong alam pagdating sa mga usong damit at make-up. Wala silang masyadong hilig sa usong fashion, kumbaga.  Para sa kanya, basta malinis na damit, kahit medyo gusot ay okay na. Kadalasang nakapantalon lamang siya, naka-sneakers at maluwang na t-shirt pag kailangan niyang pumunta ng campus at walang pasok. Hindi rin siya mahilig sa make up at hindi rin marunong kung paano ang wastong paggamit nuon. Ang buhok niya naman ay nakapony-tail lang o nakalugay. Kaya naman hindi niya maisip kung bakit pinagkakaabalahan pa siya ng panahon ng lalaking ito. May ink kaya ako sa mukha?  O baka may malaking muta ako sa  mata..  tinanggal niya ang salamin niya at pasimpleng kinusot ang mata para siguruhing wala siyang muta.
            May kulangot kaya ako sa ilong? Hindi ko naman ma-feel ah… Baka sabog na ang buhok mo, gaga…
            Hinaplos tuloy niya ng pasimple ang buhok para siguraduing maayos yun.
            “Bakit?” hindi na nakatiis na tanong niya dito na agad namang napatungo ng tingnan niya.  Lalo tuloy siyang nagduda na pinagtatawanan siya nito sa dahilang hindi niya alam. 
            “Wala naman, naalala ko lang na ikaw pala yung nabangga ko nuong isang araw, sorry ulit ha.” Nakangiting sabi ni Sean.
            “ Ah, okay lang yun.” Pilit na lang din niyang ngiti at bumaling na ulit sa librong binabasa niya.  Hindi na niya pinagkaabalahan pang bigyan ng pansin ito at pinagpatuloy na ang ginagawang research. Malayo pa ang deadline ng term paper na ginagawa niya ngunit dahil gusto niya laging makakuha ng mataas na puntos ay kinakarir niya yun. Tuksuhin man siya pagdating sa hitsura at ayos, isa naman sila ng mga kaibigan niya sa mga nangunguna sa klase, kaya nga natatawag silang ‘geeks’.  Pagkatapos ng  halos kalahating oras ay nagligpit na din siya para umuwi.  Bukas ko na lang itutuloy to, tutal sa isang linggo pa naman due itong paper na’ to.  Pagakatapos isauli ang librong binabasa ay kinuha na din niya ang mga gamit at lumabas na ng library, hindi na pinagkaabalahang tingnan pa si Sean  na napatingin na naman sa kanya ng paalis na siya.

            “ Sean ‘bro, bangon na at may pool party pa tayong pupuntahan!”  bulabog ni Roy at pumasok na sa kwarto niya.
            “Hmmm…” pupungas-pungas namang sagot niya at bumangon na nga mula sa pagkakahiga. Kadalasang matagal siyang bumabangon kapag weekends ngunit dahil may lakwatsa nga nung araw na yun, maagang  pinuntahan siya ni Roy sa kanila. Pagkatapos ng isang oras ay papunta na nga silang magkaibigan sa bahay ng kabarkadang si Faye para sa pool party nito. Wala pang labinlimang minuto ay nakarating na nga sila sa bahay nito. Marami-rami na ring naglulunoy sa malaking pool, ang ibang nandoon ay nag-iihaw at nag-iinuman na ng ganoon kaaga.
            “ Hi Sean! Hi Roy!” lapit ni Faye sa kanila pagkatapos i-park ni Sean ang sasakyan sa garahe ng malaking bahay nina Faye. Seksing-seksi itong tingnan sa skimpy yellow two-piece na suot nito. Lutang na lutang ang kaputian nito at talaga namang kaakit-akit itong tingnan. Isa si Faye sa mga kababaihang tumatambay at palaging present sa mga laro ng team nila.  Ito at ang kabarkada nitong mga Junior students din ay palagi na lang nakabuntot sa lakad niya at ng mga ka-varsity niya kaya kalaunan ay naging kaibigan na rin nila ang mga ito.  Alam niyang malaki ang pagkakagusto nito sa kanya simula pa man noong mag first year high school ito at siya naman ay sophomore. Maganda man ito at seksi ay hindi siya nagkaroon ng interes na ligawan ito. Mas gusto niya kasi yung mga tipo ng babaeng lumilitaw ang likas na kagandahan kahit sa kasimplehan man.  Hinahayaan na lamang niya ito kapag lumalandi ito sa kanya dahil hindi rin naman siya naiirita rito at enjoy din naman itong kasama. Isa pa, ayaw din niyang ma-offend ito kapag tinanggihan niya ang mga paanyaya nito sa mga ganitong kasiyahan.
            “Guys, have you eaten? Nagpahanda ako kay manang ng brunch. If you’re both hungry you can grab a bite first before diving in,” nakangiting paanyaya sa kanila ni Faye. 
“Sure, thanks Faye,” aniya at sumama na dito. Pagkatapos kumain ay sumali na nga sila sa mga kaibigang nagkakasiyahan sa pool. Wala pang limang minutong nakababad siya sa tubig ay nakalapit na agad si Faye sa kanya at hinila siya patungo sa mga kaibigan nito.
            “…just the other day lang, I saw them at the mall. You should’ve seen what they were wearing, one of them looked like a clown at the circus with that multicolored, oversized shirt she was wearing and the other one looked like a yaya looking for her alaga, hahaha!” ani Abigail. 
“Who are they talking about?” tanong niya kay Faye.  “Oh, noone important, just some geeky classmates at school,” nakangiting sagot sa kanya ni Faye.
            “ Who looked like a yaya, Gail?”sabad naman ni Faye sa usapan.  “ Si Ruthie, she was wearing cut-off cargo pants, a loose shirt and rubber slippers! Imagine that, strolling at the mall wearing those, it’s as if she’s at the palengke buying something, haha!”
            “I bet those geeks don’t even know what Jimmy Choos are, or haven’t even tried going to a spa, losers!”
            “Girls, excuse me, I’ll just go swim,” paalam ni Sean sa kanila.
            “ I’ll join you, Sean” ani Faye. Buong araw nga ay halos hindi humiwalay ang babae sa kanya. Hinayaan na lamang niya ito sa mga paglalambing nito dahil hindi naman ito masyadong garapal kung lumandi. Nang mabagot ay inaya na niyang umuwi si Roy ngunit nagpaiwan pa ito kaya’t nagpasya siyang umuwi mag isa.
            “Hey Faye, thanks for today.  I had fun, see you at school,”
            “No problem Sean, you know you’re always at the top of my list, ang lakas mo sa akin eh.”
“Really? Well, what can I say? Thanks again, bye!”
            “Bye! Call me when you get home, ingat!”
“Yeah, sure,” sabi na lang nya.

No comments:

Post a Comment