Chapter 2
“Guys,
sasali ba kayong Prom?” tanong ni Karyn sa kanila ng kumakain na sila sa Canteen.
Lunchtime at nakagawian na nilang sa Canteen na lang mananghalian sa halip na
lumabas ng campus. Tipid kasi sa canteen dahil mas mura ang pagkain kumpara sa
mga fastfoods sa labas ng campus.
“Bakit,
pwede bang hindi sumali?”ani Ruthie. “Baka pwede,”
“Nope,
sabi ni Mrs. Santiago
compulsory daw kasi may part daw sa programme na magpapartner ang isang Junior
at Senior and each one of us will have a designated partner so there would be
no way for us to skip the Prom,” sabat naman ni Jane. “Well, if that’s the
case, let’s just make the most out of the experience guys,” Sali na rin ni
Rachel sa usapan.
“ Aargh! I don’t want to go, guys. What will I
do there anyway? Mas lalo lang tayong mapagkakatuwaan ng mga classmates natin, alaskahin pa tayong
wallflowers,”
“Ikaw
naman Ruthie! Paghahandaan din naman natin yun no! It’s not as if we’ll be our
usual selves on that day. Of course we should get all dolled up! Minsan lang naman yan sa isang taon eh di
magpa-parlor na para siguradong hindi tayo magmukhang baduy, diba?”
“Good
idea, Rache. Isa pa, I don’t think that would be a really hard challenge. I
don’t believe we’re physically ugly. We just are not into all the kakikayan
stuff but I bet you we can also do that, even if it’s only for a day.”
“Agree ako jan, Janie girl,” sang-ayon naman
ni Karyn.
“Whatever
you say guys, whatever you say…” at wala na siyang sinabi. Wala na rin siyang balak pang kumontra dahil
alam niyang wala rin siyang magagawa.
Sabado ng hapon at tambay silang apat sa bahay ng
kabarkada nilang si Rachel. Nakagawian
na nila yun tuwing Sabado at nung araw na yun
nga ay nakatuwaan nilang mag eksperimento sa pagme-make up para na rin sa
darating na Prom.
“Guys,
patulong na lang tayo kay ate Anne tutal magaling naman yun sa make up.”
“Bakit,
uuwi ba ngayon from Cebu ang ate mo Rache?”
“Yup,
naka-leave kasi siya for a week sa trabaho.
Matagal na rin kasi siyang hindi nakakauwi kaya magtatagal din siya
dito.”
“That’s
great Rache! Alam
mo naman na fan ako ni Ate Anne pagdating sa pagpapaganda. Ang ganda at ang
linis niya lagi tingnan tsaka magaling siyang mag-apply ng make up, parang
hindi halata,” Na eexcite na din na sali ni Ruthie sa usapan.
“
At, hindi lang yun, she promised she’ll come with us when we go shopping for
dresses for the Prom,”
“Really?
Ambait talaga ng ate mo, Rache” ani Jane
“Alam mo naman yun,
gustong-gusto na may minemake-over,” patawang sabat na rin ni Karyn.
“Hi
girls! Kumusta na ang mga magaganda?” masiglang bati ng ate Anne ni Rachel
pagkakita sa kanila. Mukhang galing pa ito sa Airport dahil sa dala-dalang
maleta. Gaya nga ng sabi ni Ruthie, Rache’s sister looked stunning. Parang
modelo ito kung tignan dahil kahit sa simpleng pananamit ay litaw na litaw ang
ganda nito. Anne was wearing white cut-off shorts and a loose white shirt. Pinatungan
nito yun ng mataas na light-brown cardigan at pinaresan ng light-brown ding
gladiator sandals. Nakalugay lang ang buhok at halos hindi halatang nakamake-up
ito. Pagdating sa pagpapaganda ay isa ang ate Anne ni Rache sa mga idol niya.
“Hi
ate Anne!” sabay-sabay pang bati nila. Pagkakita rito ay naexcite na naman siya
sa isiping imimake-over sila ni ate Anne. Nacurious kasi siya kung ano ang
hitsura niya kapag tapos na siyang imake-over nito.
“Ate
we have a huge favor to ask,” excited na una ni Rache. Sila naman ay tango lang
ng tango, halata rin ang excitement sa mga mukha.
“Ano
iyon? ‘Wag niyo akong uutangan ha, uunahan ko na kayo, wala akong pera!”
natatawa pa ito pagkakita sa mga excited nilang hitsura.
“Of
course not ate! Ang gusto naming, pagandahin mo kaming lahat,” baling pa ni
Rache sa kanila pagkasabi nito niyon.
“Eh
magaganda na naman kayong lahat ah..”
“What
Rache meant ate is that we all want to look pretty for the Prom next week,”
sabad na rin niya.
“Ahhh
yun ba? Sus! No problem, count me in 100%”
“Yes!”
at nagkasabay pa sila sa pagsabi.
Kinabukasan
nga ay maaga silang nagpunta sa mall, kasama ang ate Anne ni Rache, para mamili
ng mga gagamitin sa Prom. Kagabi pa lang ay excited na siyang nagkuwento sa
mama at papa niya tungkol sa plano nila. Nahawa na rin siguro sa excitement
niya ang mga magulang niya kaya’t hindi pa siya nagpapaalam ay pinayagan na
siya ng mga ito, at nilakihan pa ang budget niya para sa damit at accessories.
Bago umpisahan ang pagsa-shopping ay nilibre muna sila ng breakfast ni ate Anne
sa McDonald’s. Pagkatapos ay tumungo na agad sila sa unang boutique na nakita
nila. Pagkatapos ng halos isang oras ay nakapili na ng mga damit na isusuot ang
mga kaibigan niya, siya na lamang ang wala. Medyo nahihiya na rin siya kay ate
Anne dahil nahihirapan siguro itong pumili ng damit na babagay sa kanya.
“Ate
sorry ang hirap kong bihisan,” nahihiya niyang sabi rito.
“Ano
ka ba Ruthie, hindi ka mahirap bihisan. Nagkataon lang na wala akong makitang
prom dress na magpapalitaw lalo ng ganda mo,” nakangiti pang sawata ni ate Anne
sa kanya. “Tara, lipat tayo sa ibang shops,” yaya nito sa kanila. Sa pangatlong
boutique na pinuntahan nila ay nakapili na rin ito sa wakas ng isusuot niya.
Chiffon ang tela niyon at baby blue ang kulay, strapless ang neckline at
rouched A line skirt ang disenyo ng prom dress niya. Ang sabi ni ate Anne sa
kanya ay lumalabas daw ang kaputian niya sa damit and at the same time ay
nagbibigay ito sa kanya ng aura of innocence. Pinaresan ito ng ate Anne niya ng
silver criss-cross high-heeled strappy sandals na tadtad ng diamond studs.
Binilhan na rin nila ito ng ternong satin clutch bag para makumpleto ang outfit
niya.
Ilang
oras din ang ginugol nila sa mall kaya’t hapon na silang nakauwi sa bahay nina
Rache. Doon na man ay pinagdress rehearsal sila ni ate Anne para daw makita
nito ang kabuohan ng mga mga outfit nila.
“Para
kang fragile kapag suot mo yan Ruthie, yung tipong ‘handle me with care’ ang
message mo sa mga boylet. Ikaw yung tipong damsel na gustong iligtas ng mga
boylets na ‘knight in shining armor’ ang drama,” biro pa sa kanya ni ate Anne.
Natawa man ay namula pa rin siya sa sinabi nito kaya pinagtawanan at tinudyo
tuloy siya ng mga kaibigan niya.
Araw
ng Prom.
Kahit
hindi masyadong pinapahalata ni Ruthie ay excited siya sa mga mangyayari
mamaya. She was all dolled up at
masasabing hindi rin naman siya pahuhuli sa ayos kung ikukumpara sa mga
nagagandahang babae sa Prom na iyon. She
was very pretty at talaga namang na-emphasize yun matapos siyang i-make over ni
ate Anne. Ginamitan ng curling irons ang buhok niya kaya’t imbes na straight ay
naging loose curls ang ibabang bahagi niyon. Pagkatapos ay in-arrange nito
niyon ng nakahalf-up lang. Ang resulta ay simple ngunit eleganting hairdo na
bumagay sa ‘natural look’ make up niya. Ang suot niyang jewelry ay simpleng
diamond stud earrings at katerno nitong diamond solitaire necklace. Lingid sa
kaalaman niya ay binilhan pala siya ng mama niya ng isang set na diamond
jewelry para daw maisuot niya sa Prom. Pinakita kasi niya dito ang binili nila
noong nagshopping sila at nagustuhan naman nito ang outfit niya.
“Dalaga
na talaga ang baby ko,” pabiro pa nitong sabi sa kanya pagkabigay sa kanya ng
jewelry set kanina. Walang dudang gandang-ganda ang mommy niya sa hitsura niya.
Sumama kasi ito sa bahay nina Rache para daw makita nito ang ‘finished product’
ni ate Anne.
Sabay-sabay na silang magkakabarkadang nagtungo sa venue,
all of them excited and looking forward to a fun evening. Dahil hindi naman palaging
nag-aayos ay talaga namang lumitaw ang mga likas nilang kagandahan na talaga
namang nakapagpastand-out sa kanila.
“Guys,
are you noticing the stares that we are getting?” excited na bulong ni Jane sa kanya.
“ Yup, can’t miss
that…” sagot naman niya.
Nakasunod ang
kotse ni Sean sa isang Fortuner na binabaan ng apat na nagagandahang babae na
talaga namang nakaagaw ng kanyang
pansin. Partikular na nakakuha ng pansin
niya ang isang pamilyar ang mukha. He
was pleasantly surprised to see the cute girl he had met only a few times,
ngunit tumatak naman sa kanyang
utak. Who would have thought she was a
very pretty lady when she really took time to dress up. Hindi pa man ay gustong gusto na niyang
kilalanin ito.
Pabalik na sa
table nila si Ruthie pagkatapos kumuha sa buffet table ng may humarang sa kanya. As usual, dahil nakayuko na naman, hindi niya
agad napansin kung sino ang kaharap niya.
“Hi!”
“Um..hello..”
alanganing ngiti niya sabay sulyap dito.
“You know, we
haven’t really had the chance to call each other by our names. I’m Sean by the
way, we’re from the same school, you know.
May I ask for your name?” nakangiti pa ring sabi nito.
“Ruthie… uhmm…nice
meeting you Sean. Sige, I’ll be going
na, my friends are waiting eh..sige..” ngiti na lang uli niya ‘tsaka bumalik na
sa mesa nila ng mga kaibigan niya.
“ OK, nice meeting
you too, Ruthie. I’ll see you later.”
Pahabol naman ni Sean.
Tumango na lamang siya sa kawalan ng masabi.
“Faye, girl
look at who your Sean is talking to,” tawag pansin kay Faye ng isa sa mga
kabarkada niya.
“Why, who is it?”
“It’s Ruthie, your
classmate? You know, the geeky girl who always walks like she lost something on
the ground..” nakatawa pang sabi ni Claire habang panay ang inom ng cocktail.
“What’s that geek
doing flirting with my man? Makikita niya, hmph!” inis na inis na turan ni
Faye.
“Ruthie, pwede ba
tayo sumayaw?”
“Ha? Aah
eh…pwedeng iba na lang? Nakakahiya kasi..”hindi makatingin
ng diretsong sagot ni Ruthie
kay Sean.
“Sus! Ba’t ka
naman mahihiya, me karapatan din naman tayong gumamit ng dance floor diba, dito
naman tayo nag aaral..” pabirong sagot naman ni Sean.
“Eh, hindi naman
iyon eh, sikat ka kasi sa school,
pansinin, at ayokong makakuha ng attention na for sure mangyayari pag nagsayaw tayong dalawa. Anyway, I don’t think you should socialize
with people like me. Faye is already
looking like she’s gonna strangle me if you’ll still continue to stand here and
talk to me”
“ Don’t mind her,
she’s just a friend. Harmless naman
siya, don’t worry. Do you think I’ll let
her murder you? ” biro ulit nito sa kanya.
“ Hindi ka rin
naman masyadong makulit no? “
“Hindi talaga!
Kaya pagbigyan mo na ako or else I’ll continue to stand here and talk to you
and for sure people are gonna get real curious about you. You don’t want that, do you?” panunudyo pa ni
Sean. Bahagyang kinilig man ay nagdadalawang- isip pa rin si Ruthie kung
pagbibigyan si Sean.
“Please Ruthie,
you’d really make my night if you’d let me dance with you. Sige na, hmm…” nagpapakyut pang kulit ni
Sean.
“Sige na nga,
isang sayaw lang ha tapos titigilan mo na ako…”
“Yes! Don’t worry,
hindi ka mapapahiya sa akin…”
“Hmph..” pabirong
ismid na lang niya.
Natapos ang Prom
night nang halos hindi na humiwalay si Sean kay Ruthie. Hindi rin natupad ang pinangako ni Sean na
lulubayan na nya si Ruthie dahil kahit anong saway niya ditong umalis na sa
tabi nya ay pasimpleng bumabalik pa rin ito sa grupo nila.
Hinayaan na lang niya ito dahil
hindi rin naman ito nakikinig kapag sinasaway. Kalaunan ay naging palagay na
din ang loob nya dito. Masayang kasama
si Sean, kwelang kausap at walang yabang sa katawan. Ni minsan ay hindi nya naramdamang pinagkakatuwaan lang silang
magbabarkada ni Sean. Nararamdaman nyang nag-eenjoy talaga itong
sumama sa grupo nila, kahit pa sabihing siya lang ang nag iisa lalaking nakaupo
sa table nilang magbarkada.
“’Bro, what are
you up to ba? Buong gabi ka na atang nakadikit sa mga geeky girls na yan ah..”
tanong ni Roy
ng magkasabay sila sa bar para kumuha ng maiinom.
“Nothing, ‘bro. I’m enjoying their company, that’s all. Ikaw naman, wag ka munang magselos, palagi na
lang tayong magkasama, ipaubaya mo naman ako sa iba…” biro ni Sean sa kanya.
“Lokong to! Kahit
ikaw pa ang Campus Heartthrob, hindi ako
mababakla sa’yo..Lalaking lalaki to uy!” sagot naman ni Roy
sa kanya.
“Hahaha! Di nga?
’kaw naman pre, di ka na mabiro, wag masyadong seryoso uy, nakakatanda yan,
hahaha!”
“Aba, at talagang nakukuha mo pang magbiro ng
magbiro ha. Ano bang nakain mo?” tanong
ulit ni Roy sa kanya.
“Wala naman,
nag-eenjoy lang…Sali ka sa’min, gusto mo?” yaya ni Sean sa kanya.
“No thanks,
bro. Okay
na yung ikaw lang ang topic of discussion, wag mo na akong isali…”
“Ikaw bahala,
bro. Suit yourself,” pagkatapos tapikin
sa balikat ay umalis na din si Sean at bumalik sa table nina Ruthie.
Pauwi na silang apat ng tawagin ni Sean si
Ruthie.
“Ruthie! Wait up…”
“Ha? Bakit na
naman? “
“Ikaw naman,
nagsungit ka naman agad…wag ka nga ganyan, natatabunan ang ganda mo eh,“ may
himig ng pagbibirong sabi ni Sean. Sukat marinig yun ay namula ang buong mukha
ni Ruthie. Hindi talaga sya sanay na pinupuri, lalo
pa sa harap ng mga tao. Nagkatinginan na
lang ang mga kaibigan niya sa nangyayari. Pinandilatan na lang niya ng mata si
Sean sa kawalan ng masabi pero tinawanan lang sya nito.
“May sundo ba
kayo?” tanong ni Sean sa kanya.
“Oo, padating na
daw yung sundo naming..” sagot na lang ni Ruthie.
“Ah, okay. Sige, hintayin ko na lang din na sunduin kayo
saka ako aalis,” sabi ni Sean.
“Bakit naman? Okay lang kami dito Sean, wag ka nang mag-abala pa,”
sinabayan niya ng ngiti ang sinabi niya para hindi naman siya masabihang
nagtataray na naman.
“Sus, okay lang.
Nagpaalam na din naman ako sa loob, paalis na din ako, kaya sabay na tayo,”
sabi ni Sean, sabay ngiti sa kanya.
Wala na din siyang nagawa kundi ang hayaan si Sean na maghintay kasama nila.
Lunes.
Hindi maiwasang
mapalingon si Ruthie sa mga nag-uumpukang estudyante sa labas ng classrooms
dahil naririnig nyang binabanggit ang pangalan nya at pinagtitinginan pa talaga
sya. Halos nahuhulaan na nyang ang
dahilan ay dahil ang pagbibigay-atensyon sa kanya ni Sean noong Prom night nila. Sabi ko na nga ba eh…kung bakit naman kasi
sa lahat pa ng boys dito sa campus, yung lalaking yun pa ang lumapit- lapit
sa’min, nakakainis…
Dahil
walang magawa para sitahin ang mga taong nakatingin sa kanya, dirediretsong naglakad na lang
patungong classroom si Ruthie at doon na lang hinintay ang mga kaibigan nya.
“Ruthie!” bungad
agad sa kanya
ni Jane ng papasok pa lang ito ng classroom.
“O, bakit?” tanong
nya kay Jane.
“Ang haba ng hair
mo teh! Instant celebrity ka na ngayon! Bongga!” tuwang- tuwang sabi ng
kaibigan nya.
“Ganun? Eh ayoko
ngang pinagtitinginan ng mga tao tapos magiging instant celebrity pa. Tingin mo gusto ko yun?”
“Well teh, wala ka
nang magagawa dyan kasi nangyari na ang mga nangyari. Ikaw na ngayon ang current Apple of the eye
ni Sean Hontiveros, the Campus
heartthrob. Isipin mo yun, isang ‘geek’
ang makakakuha ng atensyon ng pinakagwapo at pinakasikat na estudyante ng St. Paul. Ang ganda mo namang geek!
Taray!”
“Hoy, magtigil ka
nga dyan babae ka! Ang lakas ng boses mo ano ka ba? Napapahiya naman ako sayo eh…”
“Ano ka ba, ba’t
ka naman mahihiya, eh totoo naman lahat ng mga sinabi ko no. Walang halong fan fiction ang mga sinasabi ko
kasi nakita ng halos lahat ng Juniors and Seniors kung kanino dikit ng dikit si Sean nung Prom!”
“Kahit na, malay
mo naman nakikipagkaibigan lang yung tao, gusto lang makakilala ng mga bagong
kaibigan tapos binibigyan mo naman ng kulay.
Mamaya niyan masugod pa ako ng mga babae nun…”
Naputol
ang pag uusap nilang magkaibigan ng magsimula nang magsidatingan ang mga
kaklase nila. Nakita ni Ruthie na
papasok na din si Faye kasama ang dalawa nitong barkada. Nakita nyang hinanap agad sya ng mga mata ni
Faye at ng magtagpo ang mga mata nila ay bigla na lang itong tumitig ng
matalim. Sinasabi ko na nga ba at
malalagay ako sa alanganin nito, tsk… Pahamak na Sean talaga yun o…
Chapter 3
Lunchbreak.
Nagkasundo
sina Ruthie na sa labas magla-lunch para na din makaiwas siya sa mga
estudyanteng pinagtitinginan siya.
Nagiging awkward lalo ang mga galaw nya dahil sa pagka-conscious kaya
naawa naman ang mga kabarkada nya at pinagkasunduan nilang sa isang fastfood
malapit sa school na lang maglunch.
Kakaupo
pa lang nila sa isang table ng lapitan sila ni Faye at ng mga kabarkada nito.
“Ruthie, mag-usap
nga tayo..” seryosong sabi ni Faye na sa
kanya lang
nakatingin.
“Tungkol saan ba
Faye?” sagot naman nya.
“Stay away from
Sean do you hear? He’s not the guy for you, surely you know that?”
“Wala naman akong
ginagawa para mapalapit kay Sean, Faye…”
“And what do you
think were you doing the night of the Prom? Pasimpleng malandi ka din palang
babae ka…”
“Hey Faye, hindi
naman ‘ata tamang pagsalitaan mo si Ruthie ng ganyan…” sabat ni Karyn sa usapan nila.
“Shut up!” baling
ni Faye rito. “I’ll give you a piece of advice Ruthie. If you know what’s good for you, you better
stay away from my man, you hear? MY MAN… and besides, I know for sure that Sean
doesn’t like geeky girls like you, kaya masasaktan ka lang pag inambisyon mo pa
sya.” Pagkatapos ay binirahan na sila ng alis ni Faye at ng mga kabarkada nito.
Naiwan
silang nakatingin lang sa paalis na grupo at walang masabi ng dahil sa
kabiglaanan.
“Hi Ruthie!”
Nagulat si Ruthie
sa boses na tumawag sa kanya.
Paglingon nya, nakita nya si Sean na lumalakad palapit sa kanya. Nahihiya man sa mga tao sa paligid,
wala syang magawa kundi pansinin at hintayin ito.
“O Sean, bakit, me
kelangan ka?”
“ Grabe naman,
anong akala mo naman sa’ken, lalapit lang pag me kelangan? Di ba pwedeng gusto
ko lang makipagkwentuhan?” Pangiti-ngiti pang sabi ni Sean. Napaismid na lang
si Ruthie sa narinig. Kinilig man ng konti, agad naman nyang sinaway ang
sarili. Alam nyang malabong mangyari na maging malapit na
magkaibigan sila. Iba ang ugali at gusto niya sa ugali at mga gusto nito. Pati
katayuan sa buhay, malayo din ang agwat nila.
“Hindi nga, ba’t
mo ko tinawag?” Tanong ulit niya kay Sean.
“Wala lang, gusto
ko lang makisabay at makipagkwentuhan, hindi naman siguro bawal yun diba?”
“Hindi nga, pero
kasi hindi mo naman ginagawa to dati, ‘tsaka may mga kabarkada ka naman…alam mo
na…”
“Ikaw talaga
Ruthie, ba’t parang diskumpyado ka pa sa pakikipagkaibigan ko sa’yo. Hindi
naman siguro bad boy ang reputasyon ko sa campus na’to no? Tsaka ano bang
nagawa ko sa’yo at ayaw mong nakakasama ako,” pahinampong sabi ni Sean habang
sumasabay sa kanya
papuntang Canteen.
“Hindi naman sa
ayaw, naninibago lang kasi ako, tsaka hindi mo ba napapansin, kung saan ka
pumunta laging may mga estudyanteng nakatingin sa’yo? Eh diba nga tawag sa’yo
dito Crush ng Bayan?”
“So, ano naman
ngayon? Wala naman silang control sa kung anong gusto kong gawin or kung sino
gusto kong ka-close sa school..Tsaka ayaw mo ba nun? Kaibigan mo sikat? Eh di
by association magiging sikat ka na din…” Pabirong sabi pa nito sa kanya.
“Eh yun nga ang
ayaw ko…hindi naman ako takaw-atensyong tao. Ayoko nga ng pinagtitinginan,
maging sikat sa Campus pa kaya?” Napaismid ulit siya rito.
“’to naman, joke
lang!” bawi naman ni Sean. “Basta, wag mo na lang pansinin yung ibang tao, wala
naman silang pakialam sa’tin.” Hindi na lang sumagot si Ruthie para hindi na
sila magdiskusyon.
“O ito Ruthie, sagutin
mo ako ng seryoso ha?”
“Bakit, kelan ba
ako hindi nagseryoso?”
“Basta, sagutin mo
ako, kung hindi ba ako sikat dito sa Campus na
to, hindi mo pa rin ako kakaibiganin? Masama ba ugali ko?”
“Hindi naman
masama ang ugali mo, ‘tsaka kakaibiganin ka naming…pero impossibleng hindi ka
mapapansin sa school…”
“Bakit naman?”
“ Eh varsity
player ka kaya, tapos mayaman, tapos matalino din naman, tapos…”
“Tapos ano pa?
gusto ko yang mga sinasabi mo, ipagpatuloy mo lang hahahaha!”
“Loko ka! Ayoko na
nga! Umalis ka na, diba may klase ka pa?” Pag-iwas ni Ruthie dito na nangingiti
na din.
“Ayoko pa eh, may
kulang pa,”
“Ano namang kulang
doon? Mas alam mo pa ang iniisip ko ganun?”
“Oo
naman…nakalimutan mo yatang sabihin na gwapo ako, matangkad, simpatiko,
mabait…”
“Asus! At nagbuhat
ka pa ng sariling bangko! Yabang!”
“Hahahaha hindi
naman, binibiro ka lang…”
“O sya sige na,
gwapo ka na..”
“Yun oh! Umamin
din! Ganda naman ng araw ko,”pangiti-ngiti pang sabi nito sa kanya.
“Sige na umalis ka
na! Magla-lunch pa kami ng mga kaibigan ko..”pagtataboy ni Ruthie kay Sean.
“Ok sige, may
practice pa din kami in a few minutes, see you Ruthie!”
“Sige..” sagot
naman ni Ruthie habang nangingiting hinahabol ng tingin ang papalayong si Sean.
Magmula ng araw na
yun, palagi ng nagkakatagpo ang landas nila ni Sean. Hindi niya alam kung
nagkakataon lang ba palagi o sinasadya talaga nitong magkatagpo sila. Dati kasi
ay halos hindi naman sila nagkikita ni Sean at hindi rin naman sya napapansin
nito. Naalala pa nya yung unang pagtatagpo nila na napansin siya ng lalaki. Yun
yung araw na na-late sya at nagkabanggaan sila sa labas ng Moderator’s Office.
Hindi rin naman sya nakilala ni Sean noon. Nakilala lang talaga siya nito noong
JS Prom nila. Ang ganda- ganda ko ba
talaga nung gabing yun at nakabighani ako ng isang campus crush? Magaling
talagang mangmake-over si ate Anne at lumabas yata ang pinakatago-tago kung
alindog! Natatawa na lang si Ruthie sa tinatakbo ng utak niya. Hindi man
niya maamin ng diretso sa mga kaibigan niya ay natutuwa din siya at
nakikipaglapit si Sean sa kanya, kahit nga ba sabihing walang malisya iyon at
gusto lang talaga siya nitong maging bagong kaibigan. Ngayong mas nakikita niya
ito ng malapitan at nakakausap ng kaunti ay mas nagiging klaro sa kanya ang
kagwapuhan nito. Alam na niya ngayon kung bakit maraming babae ang nagkakagusto
dito sapagkat siya man ay may unti-unting umuusbong na damdamin para rito.
“Guys, antayin nyo
‘ko ha!”
“Bilisan mo
Ruthie, malapit na daw tayong umalis,” ani Karyn kay Ruthie. Nagmamadaling
naglakad patungo sa locker nya si Ruthie upang kunin ang digital camera na
gagamitin niya para sa tree planting activity. Taon-taon ay nagsasagawa ang
school ng ganung activity bilang pagtulong na rin sa pagpreserba ng kalikasan.
Magmula first year sina Ruthie ay sumasali na sila sa activity kaya hindi
nakapagtatakang isa sila sa mga grupo ng estudyanteng binibigyan ng
importanteng papel para sa activity na yun. Iyon lang yata ang kaisa-isang
school activity na lagi silang present at nag-eenjoy sa pagparticipate.
Ngayong taon,
naatasan sina Ruthie at ang mga kaibigan nya na gumawa ng documentation para sa
activity. Siya ang nagprisentang maging photographer ng grupo dahil hilig din
naman niyang kumuha ng mga litrato. Kaya naman nakalagay laging sa locker niya
ang digital camera niya para magamit palagi sakaling may activity sa school.
Pagkakuha sa camera ay agad ng naglakad pabalik sa bus si Ruthie. Hindi niya
napansing may nakausling bato sa daraanan niya kaya’t natalisod siya. Padapa
sana siyang babagsak ng walang anu-ano’y may biglang humawak sa braso nya.
“Ingat Ruthie,”
nakangiting bati ni Sean sa kanya.
“Sean! Ba’t ka ba
nanggugulat?!” asik ni Ruthie.
“Haha! Nagulat ka
ba? Sorry ha, eh kasi naman tinawag kita habang papalapit ako sa’yo pero di mo
naman ako naririnig…’tsaka buti nga nahawakan kita sa braso kundi nangudngud na
yang mukha mo sa lupa,”
“Ah tinawag mo ba
ako? Pasensya na hindi kita napansin, nagmamadali kasi ako eh, ’tsaka salamat
pala ha,” ani Ruthie.
“Sa’n ka ba
pupunta?” tanong ni Sean sa kanya.
“May tree planting
activity kasi ngayon, eh nakalimutan kong kunin yung camera ko kanina kaya eto,
binalikan ko,” sagot ni Ruthie habang naglalakad pa din papunta sa bus na
sasakyan nila.
“Ah okay..wait,
pwede bang sumama? Pasama naman…” hinging permiso nito sa kanya.
“Ano ka ba, diba
may practice ang varsity ngayon?”
“Sus, hindi naman
compulsory practice yun, ‘tsaka malayo pa naman ang games no,”
“Eh wala ka bang
lakad ng mga kabarkada mo? Baka mabore ka lang dun sa tree planting activity.
Bundok yun, tsaka malayu-layo din yung lalakarin,” pangdi-discourage niya rito.
“Ikaw Ruthie
nakakahalata na ako sa’yo, umiiwas ka talaga sa’kin…Bakit, may amoy ba ako o
ano?” sabi ni Sean na inamoy-amoy pa ang sarili. Natawa tuloy siya sa ginawa
nito
“Ano ka ba Sean,
hindi no! Walang mabaho sa’yo, tumigil ka nga dyan,”
“Eh ba’t ayaw mo
akong pasamahin sa activity nyo?” pangungulit pa rin nito.
“Sinabi ko bang
ayaw ko? Tsaka wala naman akong magagawa kung gusto mong sumama o hindi, hindi
naman ako organizer ng activity no,”
“Grabe, sungit mo
talaga Ruthie..yang mga sagot mo sa’kin, nakakapanakit naman ng damdamin ko,”
pahinampong sagot ni Sean sa kanya. Aysus,
tampururot pala ‘tong isang to..pero in fairness ha, ang cute niyang magtampo
kuno hahaha…
“Hay naku, o sige
na Sean, sorry na kung nagiging masungit ako sa’yo. Sumama ka na sa’min at
tulungan mo kaming magtanim ng puno.”
“Seryoso ha, payag
ka nang sumama ako?”
“Opo. Ang kulit mo
po kasi.”
“Woohoo! Okay, tara na sa bus at baka maiwan tayo”
“Teka lang yung
car mo, iiwan mo dito?”
“Yup, di ko naman
alam kung saan pupunta eh, ‘tsaka mas relax pag pasahero lang…unless gusto mo
akong samahan tapos susundan na lang natin yung bus,”nangingiting tanong ni
Sean kay Ruthie.
“Ano ka?! Sa bus
ako sasakay no, ikaw bahala ka kung sa’n mo gustong sumakay,”
“Ang sungit
talaga,” hindi na lang sumagot si Ruthie at pabiro pang sinimangutan si Sean.
“Buti na lang cute
ka..at gusto kita,” pabulong na sabi ni Sean sa sarili.
“May sinasabi ka?”
tanong ni Ruthie.
“Wala, sabi ko
alis na tayo,” anito sa kanya.
“Sean! Wait up,
where are you going?” Habol na tawag ni Faye habang nakatingin sa kanila.
“Hey Faye, I’m
going with Ruthie, we’re volunteering for the tree planting activity today”
sagot niya kay Faye.
“But I thought you
guys have practice,” parang naguguluhan pang sabi nito sabay tingin sa kanya.
“Yeah we do, pero
sabi naman ni coach pwede naman um-absent if may other activities kami..”
“Oh, okay,” tila
naubusan ng dahilang sabi na lamang ni Faye. Tinitigan na lamang nito ng
makahulugan si Ruthie habang nagpapaalam. “Well, I’d have loved to come and
volunteer too, but unfortunately I have
cheerleading practice. So, I’ll be going then. Ruthie, take care of Sean for
me, will you? Hindi sanay yan ng ganyan, baka ano pa ang mangyari sa kanya
doon,” pabirong sabi ni Faye.
Ruthie, take care of Sean for me, will you? Kahit pa sabihing biro lang yun, hindi
maipagkakailang may kalakip na babala yun sa kanya, tila ba isang mensaheng
nagsasabi na huwag siyang masyadong maging malapit kay Sean dahil may
nagmamay-ari na dito, at si Faye yun.
“Si Faye talaga, “
ani Sean.
“Bakit anong
ginawa ni Faye? Sus, normal lang yun no, syempre girlfriend mo sya, natural
lang na mag-alala yung tao lalo’t hindi ka naman pala sanay sa mga ganitong
klase ng activity,” sabi niya rito.
“Teka teka, sino
bang may sabing girlfriend ko si Faye? I’m sure hindi ako,” putol ni Sean sa
kanya.
“Weh, di nga?
Chickboy ka talaga, kawawa mga girlfriends mo kasi dini-deny mo, tsk…”
paseryosong pagbibiro niya rito.
“Ruthie stop that,
hindi nakakatawa,” saway ni Sean sa kanya. Tumahimik na lamang siya ng
mapansing sumeryoso ang mukha ni Sean sa sinabi nya. “Oo inaamin ko, madami
akong mga kaibigang babae, but NOT GIRLFRIENDS. Kelanman ay hindi ako nanloko
ng nobya.. And contrary to what you are thinking, I don’t have a lot of
girlfriends. In fact, I don’t even have a girlfriend at all,” depensa ni Sean
sa sarili. Hindi na lamang sumagot si Ruthie para hindi na humaba pa ang
usapan. Isa pa, wala din naman syang pakialam sa estado ng lovelife nito. “You
must have a very low opinion of me if you think that I would treat a girlfriend
that way Ruthie,” pagpapatuloy pa ni Sean, halata ang pagtatampo sa boses.
Sumobra naman ‘ata ang drama nitong isang to..
“Oist, tama na yan Sean, nagiging seryoso ka na masyado,” saway nya dito.
Pagkatapos nga niyang sawayin ito ay hindi na ito ulit nagsalita pa. Pagkasakay
sa bus ay pumunta na siya sa upuan niya sa
bandang harapan. Kitang-kita niya kung paano lumaki ang mga mata ng mga
kaibigan niya ng makita si Sean. After the surprise of seeing Sean with her,
napalitan agad ng panunudyo ang tingin ng mga ito kaya naman hindi niya
maiwasan ang pandilatan ang mga ito. Agad na siyang naupo dahil ayaw na niyang
makita pa ang reaksiyon ng iba pang mga estudyanteng nakasakay sa bus. Hindi
lingid sa lahat na hindi sumasali si Sean at ang barkada nito sa mga activities
na ganoon. In fact, in all the years na sumali sila sa tree planting activity,
ngayon lang niya makikita si Sean na magparticipate kaya naiintindihan niya ang
pagkagulat ng mga kapwa estudyante niyang regular ding sumasali sa activity na
iyon. Pagkaupo niya ay umupo din naman ito sa tabi niya. Nanatili itong tahimik
hanggang sa makarating na sila sa paanan ng bundok kung saan gaganapin ang
activity. Hindi maiwasang ma-guilty ni Ruthie ng dahil sa mga sinabi nya
dito. Oo nga naman, naisip nya, wala
namang nagawa si Sean sa kanya at wala din naman siyang nakita o narinig na
kuwento para masabi niyang isa itong playboy at manloloko ng mga babae. Kabaliktaran pa nga, sa tuwing nagkakasama
sila ay sobrang maalaga at mabait ito sa kanya at sa mga kaibigan nya.
Nang tawagin na
sila ng mga organizers upang bigyan ng areas of assignment, tinawag din niya si
Sean at sinabihang pumunta na sila kung saan nanduon ang karamihan sa mga
kasama nilang volunteers. Tahimik pa din ngunit sumunod naman ito sa kanya.
Hindi nakaligtas sa pansin ni Ruthie na karamihan sa mga kababaihang volunteers
ay palihim na tinitingnan si Sean ng may paghanga. Kunsabagay, sino ba naman
ang hindi hahanga dito, sa pisikal na kaanyuan pa lamang ay talagang pansinin
na ito. Matangkad, matikas ang postura, kahit may dugo itong Intsik, hindi ito
masyadong maputi ngunit makinis na makinis ang kutis at mukha. Tsinito at may
mahahabang pilik-mata, matangos ang ilong at may mapula-pulang labi. Makapal
din ang kilay nito at kapag ngumingiti ay may sumisilay na biloy sa magkabilang
pisngi nito. Hindi nakapagtatakang maraming mga kaeskwelang babae ang nagkakagusto
dito. Idagdag pang isa itong varsity basketball player at nanggagaling sa isang
mayamang pamilya. Ngunit para sa kanya, ang isang Sean Hontiveros ay isang
taong napakahirap abutin at kaibiganin, dahil hindi niya lubos maisip kung
anong mga bagay ang magkakapareho sila. Kaya nga ba at ayaw niyang kilalanin at
kaibiganin ito dahil natatakot syang kapag nadiskubre niyang mabait ito ay baka
tuluyan ng mahulog ang loob niya dito. Ayaw niyang mapasali sa lagpas
sandosenang mga babaeng nangangarap dito. Ewan nga ba at tila ito pa mismo ang
gumagawa ng paraan kung bakit nagkakausap sila. Wala siyang maisip na dahilan
kung bakit siya kinakaibigan ni Sean dahil kelanman ay hindi sya gumawa ng
paraan upang makuha ang atensyon nito.
“Earth to
Ruthie…Earth to Ruthie..” napalingon si Ruthie sa direksyon ng nagsasalita at
nakita niyang si Karyn ang kumakausap sa kanya. “Huy! Ano bang nangyayari sa’yo
at parang wala ka ‘ata sa sarili ngayon? Sinamahan ka lang ni prince charming
mo gumaganyan ka na,” tukso ni Karyn sa kanya.
“Magtigil ka nga
dyan, mamaya may makarinig sa’yo, akalaing totoo yang sinasabi mo,” saway ni
Ruthie sa kaibigan.
“Oh eh ano naman
ngayon? Ikaw ba Ruthie eh in denial o sadyang manhid lang talaga? Bakit kaya sa
tingin mo simula nung prom natin eh palagi ng nagdididikit sa’tin yang si Sean?
Eh samantalang dati naman eh hindi naman yan lumalapit sa atin, eh ni hindi nga
siguro niya alam na nag-eexist pala ang mga byuti natin..lalo na ang byuti mo,
bongga!” baklang-bakla pang pagkakasabi nito. Napatawa na lang si Ruthie sa mga
pinagsasasabi ni Karyn. Maski siya man ay hindi mapangatwiranan ang mga kilos
ni Sean pagdating sa kanila.
“Aba ewan ko sa
kanya! Malay natin, naghahanap lang ng ibang trip yung tao,” sagot na lang nya
sa kaibigan.
“Ah ewan ko sa’yo
Ruthie, ang manhid mo day! Diyan ka na nga at kukuha na muna ako ng mga
seedlings na itatanim natin, asikasuhin mo muna yung prince charming mo,”
“Karyn, ano ka ba?
Sabi ng ‘wag kang magsasalita ng mga ganyan, ayokong maaway ng mga nagkakagusto
dun no,” saway nya sa kaibigan ngunit tinawanan lang sya nito at umalis na.
“Sean,” tawag ni
Ruthie dito.
“O Ruthie, what is
it?” tanong nito sa kanya.
“Ba’t antahimik mo
na? Hindi ka naman ganyan kanina a,” aniya.
“Wala naman, okay
lang ako,” sagot naman ni Sean sa kanya.
“Look Sean, I know
I offended you with what I said kanina. And I realized that it was tactless of
me to tell you those things when in fact hindi ko naman talaga nakita or
narinig na nanloko ka ng babae or nagsabay ng girlfriends. Sorry ha,”
hinging-paumanhin niya dito. Sukat pagkadinig sa apology niya ay nakita niya
kaagad na nagliwanag ng bahagya ang mukha nito. Ngumiti na uli ito sa kanya,
dahilan upang lumabas ang biloy nito sa pisngi na lalong nakapagpagwapo dito.
Seeing him smile at her that way made him seem more endearing at hindi naiwasan
ng puso ni Ruthie na makaramdam ng saya at kilig.
“Thank you Ruthie
for the apology. I gladly accept it. Hayaan mo, patutunayan ko sa’yo na
talagang maling-mali ang perception mo sa akin. You will see that I’m really a
good guy, hopefully,” pagbibigay assurance pa nito sa kanya. Hindi na nagsalita
pa si Ruthie sa mga sinabi nito. Ngumiti na lang sya upang ipakitang naniniwala
sya dito. Inaya na lang niya itong pumunta na sa kung saan naroon ang mga
organizers para humingi ng mga seedlings at para na rin magpaturo kung saan
sila dapat magtanim.
The whole time na
tinatanim nila ang mga seedlings na ibinigay sa kanila ay napaka-attentive ni
Sean sa kanya. Bumalik ang sigla at pagkamakulit nito. Naroong pabiro siya
nitong hagisan ng uod kuno, o di kaya naman ay guguluhin kunyari ang pagtatanim
niya. Kahit makulit ay nararamdaman
niyang maalaga din ito sa kanya. Maya’t-mayang nagtatanong ito sa kanya kung
okay lang siya, kung nauuhaw ba siya o naiinitan na sa sikat ng araw.
Nagboluntaryo pa nga itong ito na lang ang tatapos sa pagtatanim ng mga
seedlings niya dahil baka pagod na raw siya. That whole time, wala ng ginawa
ang mga kaibigan niya kundi ang tapunan siya ng mga tinging nanunukso, kundi
man ay nagpapahaging ng panunukso sa kanilang dalawa. Hindi na yata nawala ang
pamumula ng pisngi niya sa ginagawa ng mga kaibigan niya samantalang si Sean ay
palagi na lang nakangiti at paminsan-minsan ay sinasakyan pa ang panunukso ng
mga ito. Napapailing na lamang siya sa kalokohan ng mga ito.
“Tara, since were
done planting seedlings here na naman, let’s go get something to eat,” aya nito
sa kanya. May nakalaang libreng pagkain para sa mga volunteers. Nakalagay ito
sa tatlong boxes na nakapwesto sa likuran ng van na sinakyan ng mga organizers.
“Eh Sean kelangan
ko pa kasing mag-take ng pictures para sa documentation ng activity,” ani
Ruthie, sabay pakita rito ang nakasukbit na camera.
“Don’t worry, we
can eat naman while taking pictures and you can take bites in between. Or if
you would allow me to, I can take pictures for you, while you eat. Just tell me
what the subject is. I’m volunteering to be your assistant, your “all-around
guy” for the day,” nakangiti pa ding alok ni Sean sa kanya.
“Ganun?” tanging
nasabi na lamang nya, hindi pinahahalatang kinikilig sya sa mga tinuran nito.
“Yup, ganun!”
natatawang panggagaya ni Sean sa kanya.
“Well, ikaw ang
bahala, basta wag kang magpapalibre ng pagkain sa’kin mamaya ha,” biro nya
ditto.
“Oo naman, ako pa
ang manlilibre sa’yo,” anito.
“Ako lang ililibre
mo? Naku, sure nang may magpoprotesta,” biro nya dito.
“Ay naku walang
magpoprotesta dahil pag nagprotesta sila wala silang libre galing sa’kin,”
pagmamalaki ni Sean sa kanya.
“Ang yabang naman,
halika na nga!” aya nya dito at naglakad na sila papunta sa van para kumuha ng
pagkain. Ginawa nga nito ang sinabi nito sa kanya. Buong araw itong nakasunod
at nagsilbing alalay niya sa pagkuha ng mga litrato para sa documentation nila.
Pinayagan din niya itong kumuha ng mga litrato para makakain siya ng mabuti at
pasado naman para sa kanya ang mga litratong nakuha nito. Pagkatapos ng
activity ay tinupad nito ang pangakong ililibre sila nito. Pagkabalik ng bus na
sinakyan nila sa school ay inaya agad sila nito sa sasakyan nito at dumiretso
na sa Pizza Hut para magmeryenda.
Chapter 4
“Hey dude, what’s
up with you and that Junior geek?” tanong ng isang kabarkada nya sa varsity, si
Ken. Kasalukuyan silang nagpapahinga sa practice at nabaling sa kanya ang
usapan.
“Geek?”
balik-tanong nya.
“Yeah, that girl
na lagi mong nakakasama lately, diba third year pa yun?” tanong ulit ni Ken sa
kanya.
“Ken, you must mean
Ruthie, right Sean? aning papalapit na si Faye.
Tiyempong narinig nito ang usapan nila kaya’t sumali ito. Parating
nagkakasabay ang practice schedule ng basketball varsity team at ng cheering
squad kaya naman laging nagkakasama tuwing break ang grupo ni Sean at ang grupo
ni Faye. Team Captain ang huli ng cheerleading squad at siya, bagama’t hindi
Team Captain ng basketball team ay isa sa mga pinagkakatiwalaan ng coach,
pagdating sa laro at sa mga responsibilidad ng team. Kung tutuusin, siya sana
ang gustong gawing team captain ng grupo ngunit sya mismo ang tumanggi. Ayaw
muna nyang hawakan ang ganung responsibilidad, bagama’t nagkukusa syang
tumulong kung alam nyang mas ika-iimprove ng team nila.
“Ah si Ruthie ba?
Yeah, she’s still in third year. She’s a new friend,” sagot nya sa tanong ni
Ken.
“Pare, napapansin
naming parang unti-unti kayong nagiging close. Careful lang baka mamisinterpret
ni Ruthie yan as something romantic, magkaron ka pa ng stalker ng wala sa
oras,” biro naman ng isa pa nilang kabarkada.
“Hindi naman pare,
Ruthie’s a nice girl naman, tsaka hindi yung tipo niyang babae and madaling
magkagusto sa isang tulad ko,” depensa nya kay Ruthie.
“Still, wag kang
pakasiguro pare,” paalala sa kanya ni Ken.
“Malay mo naman
pare, Sean really likes her kaya sila laging magkasama,” sabad naman ni John,
isa pang kabarkada nya.
“Oh please, hindi
ang tipo ni Ruthie ang magugustuhan ni Sean,” ani Faye, sabay tawa.
“Yeah, I
mean,she’s way out of Sean’s league man,” ani Roy na bestfriend ni Sean.
“Hey guys, can we
change the topic please? I find myself getting uncomfortable being the topic of
this conversation,” saway nya sa mga kaibigan nya. Sumunod naman ang mga ito at
binaling sa iba ang usapan. Sa ngayon ay ayaw muna nIyang mapag-usapan ng
barkada nya si Ruthie. Sa tono pa lamang ng mga barkada nya, halatang hindi
magugustuhan ng mga itong isali si Ruthie sa circle nila. Malapit man sa kanya
ang mga ito’y hindi nya maitatangging very superficial ang mga ito pagdating sa
pagpili ng mga kaibigan. Mas matimbang sa mga ito ang porma, reputasyon, at
katayuan sa buhay ng isang tao kesa sa ugali nito. Inaamin nyang minsan ay
nagiging ganun din siya kapag naiimpluwensyahan sya ng mga niya. Kay Ruthie ay
naiba nga lang ang sitwasyon dahil sa hindi malamang dahilan, attracted sya
dito. Noong gabi pa lamang ng prom ay nagka-crush na siya dito at habang
lumilipas ang mga araw na nagkakasama sila ay lalong lumalalim ang pagtingin
nya rito. Habang mas nakikilala nya si Ruthie ay lumalabas at dumarami ang mga
endearing qualities nito.
Dahil maagang
nadismiss ang mga klase nila ay nagkayayaang maligo sa pool ng clubhouse ang
mga kabarkada niya at sina Faye. Tumanggi siyang maligo at sa halip ay naupo na
lamang malapit sa pool. Maya-maya pa ay lumapit si Faye sa kanya at sumalo sa
kinakain niyang sitsirya.
“Sean, will you
open me a can please?” anito sa kanya. Pinagbukas niya naman ito ng isang
latang rootbeer.
“Here you go,”
sabay abot dito sa inumin.
“Thanks sweetie,”
sabay ngiti nito sa kanya ng matamis. Noon pa man ay alam na niyang malaki ang
pagkakagusto sa kanya ni Faye. Noon ay balewala sa kanya iyon, flattered pa nga
siya dahil may gusto sa kanya ang isa sa mga campus crushes ng eskwelahan nila.
Bagama’t mala-anghel ito kung makitungo sa kanya ay alam niyang walang
kasing-maldita ito, lalo na sa mga taong hindi nito gusto. She can be a really
nasty bitch, especially if she knew she had competition kaya naman he was sure
na kakawawain nito si Ruthie kapag nalaman nitong may gusto siya at manliligaw
siya rito.
“So Sean, what’s
up between you ang Ruthie?” anitong tila wala sa tinatanong ang isip kundi sa
hawak nitong cellphone.
“Ruthie? Wala
naman, she’s just a new friend,” sagot niya dito. Hindi na siya nag-elaborate
pa dahil ayaw niyang makahalata ito tungkol sa tunay niyang saloobin.
“Oh, okay. I
thought you’re courting her, kasi you’re always together,”
“Nope, you got it
all wrong.”
“Naku, you should
make it clear to her then. Kasi baka mag-assume yun na may gusto ka sa kanya,
magkaroon ka pa ng stalker ng wala sa oras,” pagbibigay-payo pa nito sa kanya.
“Hahaha! Sobra ka
naman Faye. What makes you think that she’ll stalk me kapag nagkagusto siya sa
akin?”
“Just because
she’s the type of girl who’s gullible, naïve and painfully insecure. Not to
mention she’s not really pretty, so in short, she fits the “Loser”
description,” anito habang kinakalikot ang cellphone nito. Gusto mang
ipagtanggol si Ruthie ay pinili niyang manahimik na lang dahil baka mahalata pa
nitong mahalaga ang babae sa kanya. Isa pa, hindi naman naririnig ni Ruthie ang
mga pinagsasabi nito kaya hindi rin ito masasaktan. Minabuti niyang sakyan na
lamang ito sa mga opinyon nito.
“Wait, I’ve a
brilliant idea! How about we make a bet over whether Ruthie will fall for you
or not? No, no, I’m sure she’ll fall for you so that’s not a challenging bet.
How about we make a bet over how many weeks you’ll make Ruthie fall for you!”
bulalas pa nito sa labis na excitement.
“Pilya ka talaga
Faye,” patawa-tawang saway niya rito.
“What? It’ll be
fun! Come on, you know it would be fun to watch. I can just imagine Ruthie’s
face as she follows you around, looking like a lovestruck weirdo. That would be
hilarious hahaha!”
“You can be really
naughty and mean, Faye” patawa-tawang pakikisakay na lamang niya rito at
tumungo na sa pool para tapusin na ang usapang iyon. Hindi na niya nakita ang
pasimpleng pagpindot ni Faye sa cellphone nito at ang pilyang ngiti na namutawi
sa mga labi nito.
Kinahapunan ay
nagkakasiyahan pa din ang mga barkada niya habang siya naman ay nag-iisip kung
paano pupuslit ng hindi magtatampo ang mga ito. Nabobore na kasi siya sa pool
party at paulit-ulit ng topic ng mga kuwento. Nang makakita ng tiyempo ay
nagpaalam na din siya sa mga ito.
“Hey guys, I gotta
go. Nagtext si mommy, inutusan akong bumili ng mga ingredients for dessert na
gagawin nya for dinner. Bye guys!” paalam niya sa mga ito. Habang nagdadrive
pauwi ay hindi mawala sa isip niya ang perception ng mga kaibigan niya kay
Ruthie. Mukhang Malabo ang pag-asang tatanggapin ito ng mga kaibigan niya
sakaling manligaw siya rito, lalo na pag sinwerteng sagutin din siya nito. Well, if you really like her, what your
friends think of her will not really matter right? Katwiran ng isip niya. Yeah, it wouldn’t matter, I guess Ruthie is
worth possibly losing a few friends…
Sabado
ng umaga. Kakahinto pa lamang ng sasakyan ni Sean sa tapat ng bahay nina Ruthie
ng makita niyang palabas ito ng gate. Ngayong araw niya sasabihin kay Ruthie
ang plano niyang panliligaw dito. Napag-isipan na niyang hindi niya bibiglain
ang pagtatapat ditto, bagkus ay sisiguraduhin muna niyang masaya ito at
nag-enjoy na magkasama sila saka siya magtatapat.
“Hi Ruthie!”
“O Sean, sa’n
punta mo?”
“Dadaanan sana
kita sa bahay ninyo, tara punta tayong mall,”
“Mall? Bakit,
anong gagawin ko dun?”
“Tulungan mo akong
pumili ng gift, tapos iti-treat kita ng movie at dinner,”
“Wow, galante mo
naman,”
“Syempre, basta
ikaw,”
“Hmpp..sige na
nga, madali naman akong kausap,”
“Hahaha! Yan ang
gusto ko sa’yo eh,” inalalayan niya ito sa passenger seat ng sasakyan at
tumungo na sila papuntang mall. Simula noong araw na sumama siyang magvolunteer
ay mas lalong napadalas ang pagsama-sama niya dito. Kapag wala siyang practice
sa varsity ay kadalasang hinihintay niya ito sa labas ng classroom para yayaing
magmeryenda. Alam niyang nagtataka na ito sa kanya ngunit hindi naman siya
iniiwasan nito.
Ano na naman kaya ang pumasok sa utak ng
isang ito at nagyayang mag-Mall, ang aga-aga pa kaya…Nagtataka man ay
nagpatianod na lang siya sa gusto ni Sean, dahil wala rin naman siyang
nakaplanong lakad nang araw na iyon. May kanya-kanya din kasing lakad ang mga
kaibigan niya at nagkasundo na silang sa susunod na Sabado na lang tatambay
kina Rache. Pag nalaman nilang sinundo
ako ni Sean naku uulanin na naman ako ng tukso ng mga iyon. Hindi man nya
aminin sa mga kaibigan nya ay natutuwa sya at kinikilig tuwing kasama nya ito.
Minsan naiisip nyang baka nanliligaw ito sa kanya ngunit hindi naman nya ito
matanong ng diretso pagkat nahihiya siya, at hindi rin naman ito nagpaparinig
sa kanya. Tuwing magkasama sila ay talagang pinagtitinginan sila ng mga
kababaihang estudyante, at siya naman ay tinutukso ng mga kabarkada nya. Hindi
na lamang nya pinapansin ang mga ito dahil masaya naman sya kapag magkasama
silang dalawa ni Sean.
“Pwede bang
malaman kung sinong kaibigan yang reregaluhan mo?”
“Secret muna sa
ngayon,” pangiti-ngiti pa nitong sagot sa kanya.
“Ganun? Eh bakit
naman ako ang naisipan mong hingan ng tulong?”
“Eh kasi po, babae
yung friend ko. So I figured, since you’re a girl, she would probably like what
you would like,”
“Hala ka, hindi mo
ba alam at hindi ko ba nasabi sa’yo na I have zero knowledge when it comes to
girly stuff?”
“Sus, masyado mo
naman minamaliit ang sarili mo. And besides, my friend is not the maarte type
so I’m sure she’ll love whatever you’ll pick,” pangiti-ngiti pa nitong sabi sa
kanya.
“Bahala ka na
nga,”
Pagdating sa mall
ay inaya muna siya nitong mag-snack. Pinaunlakan naman nya ito dahil ito rin
naman ang masusunod kahit pa tumanggi sya. Pagkatapos magmiryenda ay niyaya na
sya nitong bumili ng regalo.
“Teka muna, what’s
the occasion ba?” tanong nya dito.
“Walang occasion,
ibibigay ko lang sa kanya,”
“Ah, parang
nanliligaw, ganun?”
“Basta, I’ll tell
you all about it later.”
“Ikaw bahala,”
“So where do you
want to go? Do you think she’ll like clothes, make up, or jewelry? Or maybe a
stuffed toy?”
“Hmm, pwede
rin. Pero di ko alam size nya eh so
hindi ako pipili ng damit para sa kanya. Tapos, di ko alam baka sensitive skin
niya so hindi rin ako pipili ng make up. Dun na lang tayo sa jewelry or stuffed
toy, safe yun,”
“Whatever you say
ma’am. You’re the boss!”
“Sira! Tara na
nga,”
Pagkaraan ng halos
isang oras ay nakapagdecide silang isang silver necklace na may hugis-pusong
pendant ang bilhin.
“Are you sure
she’ll love this, Ruthie? Do YOU love this?”
“Oo naman no, sure
na, sasagutin ka nun pag nakita niya yan.” Mabigat man ang kalooban ay pilit pinasisigla ni Ruthie ang tinig nya
upang hindi nito mahalatang nasasaktan sya sa kaalamang may nililigawan pala
itong iba.
“Sinabi mo yan
ha,”
“Yessir!”
Nakangiti pa nyang pagbibigay-assurance dito. Pagkabili ng nasabing regalo ay
inaya na niya itong lumabas ng Jewelry shop upang mag ikot-ikot pa sa mall. May
nakita syang bookstore kaya naengganyo syang tumingin-tingin ng mga new
arrivals na naka-display doon.
“O Ruthie, iniwan
mo naman ako dun sa ticket booth bigla eh,”
“Eh nabore kasi
ako kahihintay sa’yo. Tsaka ang haba ng pila, I figured titingin-tingin muna
ako dito habang nakapila ka pa for our tickets, tapos babalik na lang ako,”
“Nakabili na lang
ako ng tickets hindi ka pa bumabalik. What books are you looking for anyway?”
“Ah ito? Bagong
series, The Hunger Games. I collect books like these. Yung series ba, Harry
Potter, Lord of the Rings, mga ganun. The last time na nagpunta ako dito,
sold-out na kasi ito,”
“Oh, okay. Are you
buying these books then? I’ll just wait for you at Cinema 1’s entrance? I’ll
buy some snacks,”
“No, hindi ako
bibili. Next time na lang,”
“Why not?”
“Hello, bilhin ko
lahat yang 3 books na yan? Ano tingin mo sa akin, tiglilibo ang pera sa bulsa
kahit anong araw? Next time na lang, hindi ako prepared mag-shopping today eh,”
dinaan na lang nya sa biro ang pagsagot dito. Hindi naman sila hirap sa buhay
at kung tutuusin ay maituturing silang kabilang sa upper middle-class families
ngunit hindi naman ibig sabihin nuon ay nabibili nya agad ang anumang
nagugustuhan nya. Mas gusto niyang lahat ng bagay na gusto nyang bilhin ay yung
pinag-ipunan talaga niya sapagkat may nafifeel syang sense of accomplishment
pag ganun.
“Well, ikaw ang
bahala. So, tara na?”
“Okay.”
Nag-enjoy naman
silang pareho sa palabas na pinanood nila. Kakatwang pareho pala silang mahilig
sa action/sci-fi kaya’t nagkasundo agad sila kung ano ang panunuorin.
Pagkalabas ay niyaya na sya ni Sean na magdinner bago umuwi. Napansin nyang may
nadagdag na paperbag sa mga bitbit nito. Hindi na lamang sya nagtanong kung
kelan nito binili yun.
“So where do you
want to eat?”
“Hmm, ikaw. Basta
ako kakain lang,” nakangiti nyang sagot dito.
Dinala sya nito sa
isang Japanese Restaurant dahil trip daw nitong mag shabu-shabu sila. Masaya
nga silang naghapunan dahil sa bukod sa masarap na pagkain, hindi rin sila
nauubusan ng pagkukuwentuhan, karamihan tungkol sa movie na pinanuod nila.
Maya-maya ay napansin nyang parang
nati-tense ito bigla at hindi mapakali sa inuupuan nito.
“Sean, something
wrong?” tanong nya dito.
“Uhm… Ruthie,
remember what I said earlier? I said I’d tell you about the girl I’m gonna give
this to?”
Oh no, Ruthie eto na…hingang-malalim…wag
ipahalatang masakit…“Ay oo nga! Sabi mo magkukwento ka, kaya dali kuwento
na,” kunwari ay excited siyang malaman kung sino ang babaeng nililigawan nito.
“Well…here, take
this,” anitong inabot sa kanya ang gift-wrapped box na naglalaman ng kwintas na
binili nila kanina.
No comments:
Post a Comment