Chapter 8
Dumaan ang
dalawang linggo na halos araw-araw silang magkasama. Palaging pumupunta ito sa
Operations Floor tuwing Lunch Break niya at palagi na ay hinihintay siya. Kung
hindi sya nito niyayayang lumabas ay nagpapadeliver ito ng pagkain para sa
kanila at dinadala nito yun sa pantry tuwing Lunch Break niya. Kadalasan ay
inaaya muna siya nitong magdinner bago sya nito inihahatid pag-uwi. Pagdating
naman sa bahay ay parang ayaw pa muna nitong umalis kaya inaalok naman niya
itong magkape at nagpapaunlak naman ito lagi.
Kapag weekend
naman ay inaaya siya nitong mag-out of town o kaya ay mamasyal kung saan-saan.
Dahil sa palaging magkasama ay hindi maiwasang pag-usapan sila sa opisina.
Ilang kasamahan na niya ang nagtanong kung nililigawan ba siya ng boss nila
ngunit palaging ang sagot nya ay magkaibigan lamang sila. Kahit nakikita sa
mata ng mga ito ang panunukso ay ngumingiti na lamang siya. Kahit nararamdaman
niyang tila bumabalik ang matamis nilang pagtitinginan ay ayaw nyang mag-assume. Wala rin naman itong
sinasabi sa kanya, basta palagi na lamang itong
naroon at gusto siyang nakakasama. Minsan ay nagugulat na lamang siya
kapag biglang umaakbay ito sa kanya habang naglalakad sila, o humahawak sa
kanyang kamay kapag magkatabi sila. Isang araw ng Linggo ay maaga itong
nagpunta sa bahay niya at ipinagluto siya ng almusal. Nakoconscious man sa
hitsura dahil bagong gising ay hindi na lamang niya ipinahalata yun dito. Pagkatapos mag-almusal ay inaya naman siya
nitong magsimba sa PICC. Iyon ang unang beses na nagsimba sila ng magkasama.
Ngayon nga ay hinihintay ulit sya nitong matapos sa pagbibihis at magsisimba
ulit sila.
“Ready to go?”
tanong nito sa kanya.
“Yes,”
“Okay tara na,” at
lumabas na nga sila. Ilang minuto pa ay nakarating na nga sila at pumila
papasok ng Plenary Hall. Natapos ang mahigit na dalawang oras na Eucharistic
celebration na hindi ito umaalis sa tabi nya. Sa ginagawa nito’y hindi niya
maiwasang mahulog ng tuluyan ang loob ulit dito. Tuwina ay nakakataba ng puso
ang pag-aasikaso nito sa kanya. Sa mga ganuong pagkakataon ay ngali-ngali na
niyang itanong dito kung ano ba talaga ang relasyong meron silang dalawa.
Gustuhin man nyang tugunan ang mga
paglalambing nito ay hindi niya magawa sapagka’t nag-aalala syang baka
namimis-interpret lang niya ang pakikitungo nito sa kanya. Mula noon hanggang
ngayon ay madami ang humahanga dito. Nasisiguro nyang mas marami ngayon
sapagkat tila isang ideal man ito na wala ng mahihiling pa ang isang babae sa
isang lalaki.
“Sean, ano ba
talaga tayo?” wala sa planong tanong ni Ruthie dito. Hindi nya napigilan ang
sariling tanungin ito, dahil na rin siguro sa impluwensya ng lugar kung saan
kasalukuyang naroon sila. It felt so relaxing to be leaning onto him, with his
arms around her while they were watching the sun set. Nasa hindi mataong parte
sila ng beach, nakaupo sa buhangin at hinihintay na lumubog ang araw. Kahit na
tahimik ang paligid ay hindi iyon maituturing na awkward. Sa ilang linggong
palagi silang magkasama ay bumalik ang pagiging at ease niya dito. She didn’t
mind the silence, for it felt comfortable and relaxing. Sa sobrang pagkarelax
nga siguro niya kaya basta na lamang lumabas sa kanyang bibig ang kanyang
iniisip.
“Hmm, I thought
what we have is something that is already pretty clear to you,” anito sa kanya.
“Well, I’m
thinking we have some kind of relationship alright…but I just don’t want to
assume. Malay ko bang talagang super sweet ka lang talaga sa lahat ng mga babae
at namimisinterpret ko lang iyon,”
“Ahahaha!” anlakas
ng tawa nito sa sinabi niya. Hindi niya sinabi iyon upang magbiro ngunit ganun
yata ang dating noon kay Sean.
“Hanggang ngayon
talaga Ruthie mapagbiro ka pa rin,” nangingiting sabi pa nito sa kanya.
“”What, I’m
serious. Sa gwapo mong yan ay hindi na ako magtataka kung maraming babae ang
nagiging assumera pagdating sa’yo. Siguro kahit malibre mo lang ng kape
aakalain ng babae eh nililigawan mo na,” sagot niya dito.
“Bakit ikaw, ganun
ka ba?”
“Malapit na, kaya
nga tinatanong na kita para malinaw…”
“Okay sige Ruthie,
tanungin mo nga uli ako…”
“Asus, pahirapan
daw ba ako? O sige na nga, Mr. Sean Luke Hontiveros, nanliligaw ka ba sa akin?”
“Nanliligaw? I
thought sinagot mo na ako?”
“What? Ang yabang
mo ha!” Natatawa pa ito habang kitang-kita niya ang kapilyuhan sa mga mata
nito. Maya-maya pa ay sumeryoso ang mga mata nito ngunit nanatili ang ngiti sa
mga labi.
“Seriously, hindi
na talaga ako makakawala sa charms mo. Dapat galit ako sa’yo dahil hindi ka
naniwala sa’kin dati eh, pero ‘eto na naman ako, looking like a lovesick fool because
of you,”
“Awww..Sige, para
makabawi ako sa’yo, sinasagot na kita,” nakangiti niyang sagot dito. Sa halip
na sumagot, hinawakan nito ang pisngi niya at ginawaran ang mga labi niya ng
halik. Like the first time, he kissed her with such tenderness, and yet with
such passion.
“I love you,”
anito nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
“I love you too,”
at hindi na pinigilan ang sariling yumakap ng mahigpit dito.
“Babe, I won’t be
able to visit you on Saturday because Mama asked me if I could pick up Faye at
the Airport,”
“Faye?”
“Yeah, Faye
Saavedra? I’m sure you still remember her,” makahulugan ang ngiting ibinigay
nito sa kanya.
Paanong hindi ko matatandaan si Faye eh siya
ang dahilan kung bakit tayo nagkasira noon… “Yeah, how can I possibly
forget her?” ginantihan niya din ito ng ngiti at pagkatapos ay pakunwaring
inirapan. Natawa ito ng malakas, hindi alintana ang mga tao sa paligid.
“You look so cute
when you do that, you know,”
“Patay na patay ka
lang sa akin eh, kaya lahat ng gawin ko cute para sa’yo,”
“Aba, yabang ah!”
“Bakit hindi ba?
Wag kang magkakamali ng sagot kundi lagot ka sa’kin,” pabiro niyang banta dito.
“Opo, ma’am! I
agree 100%!” sumaludo pa ito sa kanya pagkuwan ay ini-smack pa siya kahit may
ilang officemates niya ang nakatingin sa kanila.
“I gotta go,
babe,”
“Okay, bye.”
Namumula man ang mukha ay masaya pa rin siya sa gesture na iyon ni Sean. Eh kung kikiligin ba naman ako buong araw
eh, bahala ng ulanin ng tukso.. napapailing na lang siya sa mga naiisip
niya.
“Sean!
Kakaway-kaway si Faye pagkakita nito sa kanya. Happiness was written all over
her face and he couldn’t help but be infected by her mood. Matagal-tagal na rin
silang hindi nagkikita nito, ang huli yata ay noong bago siya umalis from the
States may isang taon na ang nakararaan. Back
in the States, they had gotten close because they were neighbors. Their
condo units were in the same floor and since they were already friends since
High School, it was inevitable that they would hang out. Nag-apologize ito sa
ginawa nito sa kanila ni Faye, at nakita naman niya ang sincerity sa mga mata
nito kaya pinatawad na din niya ito. Eventually, their closeness developed into
something more intimate. Dahil na rin siguro sa pag-aasikaso ni Faye sa kanya
at sa mga paglalambing nito kaya hindi na niya napigilan ang pagkahulog ng loob
niya dito. They went steady, but it barely lasted two months. Narealize niyang
gaano man ipakita nito na mahal siya nito ay hindi pa rin sila magtatagal.
Hindi kasinglalim ng pagmamahal nito ang nararamdaman niya. Sa huli ay
napatunayan niya sa sariling hanggang pagkakaibigan lamang talaga ang kaya
niyang ibigay kay Faye. All he felt for her was fondness. He told her that when
he they broke up, and explained everything that he was feeling as gently as he
could. Ayaw niyang sobrang masaktan si Faye. Alam niyang sobra kung magmahal
ang babae, to the point na umiikot lamang ang mundo nito sa lalaking mahal
nito. Mabuti na lang at tinanggap nito ang desisyon niyang maghiwalay sila, sa
kondisyong hindi niya iiwasan ito at mananatili pa rin silang matalik na
magkaibigan. Para siyang nabunutan ng tinik ng maayos silang magkahiwalay. Noon
kasing magkasintahan pa sila ay parang nasasakal na siya rito. Parati na lamang
itong nakabantay sa mga activities niya. Madalas ay bigla na lamang itong
sumusulpot sa mga business meetings niya outside the office kaya’t
kinakailangang pati ito ay asikasuhin niya. Noong umpisa ay sweet para sa kanya
ang mga efforts na iyon ni Faye ngunit noong katagalan ay naramdaman na niyang
parang nasasakal na siya sa relasyon nila. Hindi lamang iisang beses na nagtalo
sila sa mga ginagawa nito kaya’t bago pa sila mag-away ng matindi ay minabuti
na niyang kausapin at makipaghiwalay dito.
“Hi Sean! How are
you? It’s great seeing you after what, a year?” bati nito sa kanya sabay yakap.
Lalong gumanda ito mula nang huli silang magkita. Kitang-kita pa rin sa hitsura
nito at pananamit ang pagiging elegante at sopistikada. Palibhasa ay isang
stylist at professional make up artist ito sa Amerika kaya’t alam na alam nito
kung paano dalhin ang sarili. Nakaka-intimidate marahil ito sa isang
ordinaryong lalake ngunit sa mga katulad niyang nagmula rin sa mayamang angkan
at may napatunayan na sa karera ay maituturing itong isang ideal girlfriend,
trophy girlfriend kumbaga. Sadya nga lamang talagang mahal niya si Ruthie kung
kaya’t kahit gaano kaganda, katalino o kabait si Faye ay hindi niya pa rin
ipagpapalit si Ruthie dito.
Pagsapit ng
alas-dose ng tanghali ay naglog-out muna si Ruthie para maglunch-break. Dahil
laging nagsasabay ay inaasahan na niyang susunduin siya ni Sean sa station niya
para yayaing mananghalian. Ngunit sa halip na si Sean ang dumating ay isang
text message galling rito ang natanggap niya.
Babe sorry I won’t be able to join you for
lunch today. Faye called me up earlier and asked if I could accompany her to a
proposed site for a potential business venture. I couldn’t say no ‘coz she
doesn’t know where the place is and she has no one else to ask. And ibinilin
siya sa akin nina tita Margaux. I hope you understand. I miss you already baby.
Sa
nabasa ay hindi maiwasan ni Ruthie na maging malungkot ng bahagya. Nasanay na
kasi siyang palagi itong kasamang mananghalian. Ganunpaman ay nag-reply pa din
siya para mapanatag ang kalooban nito.
Of course babe. I totally understand. Ingat
sa lakad ‘nyo. See you later, miss you too. J
Pagkatapos magreply ay naghanda na siyang lumabas para kumain. She decided
to have lunch sa Starbucks na nasa katapat lang ng building na
pinagtatrabahuhan niya. Umorder lang siya ng Vegetable Panini at Green Tea
Frapuccino at pagkatapos mananghalian ay nagpalipas muna ng oras sa katabing
boutique ng Starbucks. Naaliw siya sa mga signature clothes na nakadisplay doon
dahil pawang magaganda lahat ang pagkakadisenyo. Pati ang pag-aaccessorize sa
mga damit ay pinag-isipan ding mabuti. Naeengganyo tuloy siyang bumili maski ng
isang outfit lang. Binabayaran na niya ang binili niya ng may pumasok na
dalawang babaeng customer. Sosyalin ‘tong
mga to, at ang gaganda, in fairness. Habang nasa counter ay naririnig pa
niya ang pag-uusap ng mga ito.
“..yeah,
she’s back and I heard she’s gonna ba staying here for good daw,”
“Really?
I thought Faye’s very in demand right now in the US, ba’t iiwan niya ang career
duon para mag-stay here?”
“Well,
baka she’s getting married. I saw her kanina sa ATC, she was with that gorgeous
hunk Luke Hontiveros. Bagay na bagay sila, I must say.”
“Really?
Baka nga she’s getting married. Hay, what love can do, imagine leaving a
successful career abroad just to be with the man you love..”
Hindi
na tinapos ni Ruthie ang pakikinig ng maibigay na sa kanya ng cashier ang
credit card at ang paper bag ng binili niya. Duda man sa mga narinig ay hindi
maiwasan ang pagbigat ng loob niya sa isiping niloloko na naman siya ni Sean.
Linggo ng umaga at
maagang nagising si Ruthie upang asikasuhin ang napabayaang garden sa unahan ng
bahay niya. Palabas na sana siya dala ang mga kakailanganing gamit ng may
marinig na katok sa pinto. Hmm..ang aga
namang bumisita ng mokong na ito, na-miss naman ako kaagad…
“Hello Ruthie,”
pormal na bati sa kanya ni Faye ng buksan niya ang pinto. Noon lamang sila ulit
nagkita simula ng gumradweyt sila ng High School.
“Faye?”
nasosorpresang turan nya. Hindi nya alam kung paano nito natunton ang bahay
niya at kung ano ang pakay nito sa kanya. “Uhm, pa’no mo nalaman ‘tong bahay
ko? Can I help you with anything?”
“Well, to answer
your first question, Sean told me where
you live. And as for your second question, I came here to apologize and to make
up for what I did to you way back.”
“Oh, that’s okay
Faye. It’s all in the past, let’s just move on from it,” aniyang nakangiti pa
rito. Sa sinabi nito’y biglang gumaan ang loob niya dito. Himalang lahat ng
agam-agam niya tungkol dito at kay Sean ay naglaho.
“Thank you for
being so forgiving Ruthie. I must admit, I was really a bitch back then, and I
felt threatened by you kaya ko nagawa iyon. Believe me when I say that I’ve
changed so much, and it’s all for the better. If it’s not too much to ask, I
hope that we can be friends.”
“Of course Faye! I
would be glad to have you as a friend,” nakangiting sabi niya, sabay lahad ng
kamay niya na tinanggap naman nito.
“Great! Thanks so
much Ruthie. Sean’s right, you really are a very nice person,” anito, sabay
yakap sa kanya.
“Would you like to
come in? Have something to eat maybe…”
“Oh, why don’t we
eat outside na lang? My treat,”
“Oh okay, sige.
I’ll just be a minute and then we can go,”
“Okay. Ride with
me na lang, ‘wag na tayong mag-convoy para hindi ka na ma-hassle,”
“Okay.”
Pagkatapos ng
ilang minute ay paalis na sila ng bahay niya at papunta na sa Albertini’s,
isang sikat na Italian restaurant na malapit sa bahay niya.
“Pizza or pasta
okay with you?” tanong nito sa kanya.
“Pizza sounds
great,” pagsang-ayon niya sa suhestiyon nito. Pagdating sa naturang restaurant
ay nagkasundo na silang umorder. Pagkatapos umorder ay nagpaalam muna ito sa
kanyang pupunta sa rest room. Hindi pa natatagalang umalis si Faye ng tumunog
ang cellphone nitong nakapatong sa mesa. Hindi sana niya papansinin iyon ngunit
nakaagaw ng pansin niya ang lumabas na larawan sa caller ID. Kitang-kita niya
ang masayang mukha nina Sean at Faye. Nakangiti ang lalaki habang nakatingin sa
camera, si Faye naman ay nakangiti din habang nakahalik pa sa pisngi nito. Nakikita
pa sa larawan ang dalawang braso ni Faye na nakapulupot sa leeg ni Sean. Kung
sinuman ang makakakita sa larawang iyon ay hindi magdududang may relasyon ang
dalawa at masaya ang mga ito sa isa’t-isa.
Nang bumalik mula
sa Rest Room si Faye ay nagri-ring pa rin ang cellphone nito. “Oops, Sean’s
calling pala. Let me just take this call Ruthie, excuse me,” anito.
“Sure,” aniya at
pinagtuunan ng pansin ang pagkain niya.
“Babe..I’m with
Ruthie right now..Oh…” anitong napasulyap saglit sa kanya. Nag-excuse ulit ito
at umalis sa kinauupuan bago ipinagpatuloy ang pakikipag-usap sa telepono. Sa
tinurang iyon ni Faye ay bumalik ang mga pagdududa sa isip niya. Pakiramdam
niya ay nauulit ang mga nangyari nuon, pero ngayon ay totoong pinaglalaruan na
talaga siya ni Sean. Pagbalik ni Faye sa upuan ay hindi na niya napigilan ang
sariling tanungin ito.
“Faye, I just have
to ask…boyfriend mo ba si Sean?”
“Ha? Uhm..” tila
nagulat ito sa tanong niya at nagdadalawang-isip sa isasagot.
“Please Faye, I’m
really confused right now because Sean and I…well, we are in a relationship too
and so I think I have a right to know what’s going on…”
“I’m sorry
Ruthie,” anitong bakas sa mukha ang guilt.
“So it’s true
then…”
“I’m really sorry
Ruthie, I swear I didn’t have any idea about what Sean was doing. I thought you
two are only close friends, ‘coz that’s what he told me. When he knew that you
worked under the same company and that you see each other often, he told me he
apologized and cleared the air between you two. He also told me that you have
become friends again. Until today, I never knew that he harbored a deep
resentment towards you and that he had other plans he was not telling me about.
It was just earlier when he told me briefly about what was really going on with
you and him. I’m really sorry Ruthie, I mean, I don’t have a part in it but I
know that you must be feeling very hurt right now, and I’m sorry for all the
pain that Sean is causing you…”
“No, stop it, I
don’t want to hear anymore,”
“I promise Ruthie,
I’ll talk to Sean about this and somehow make everything right. If I have to
make him go down on his knees to ask for your forgiveness I’ll do it…”
“I have to go
Faye,” aniya at dali-dali nang umalis sa lugar na iyon. Sa pagmamadali niya ay
hindi na niya nakita ang maliit na ngiti na sumilay sa mga labi ni Faye.
“Well, that was
dramatic…” anito sa sarili habang nangingiting ipinagpatuloy na pagkain sa
inorder nito.
Chapter 9
Lunes
ng umaga.
Mugto
man sa kaiiyak ay kinailangan pa ring pumasok ni Ruthie sa opisina. Nang maglunchbreak
na ay hindi na siya nagulat na walang Sean ang dumating para ayain siyang
kumain. Sa halip ay text message ulit ang natanggap niya, hindi raw ito
makakasabay ng lunch sa kanya dahil may importanteng meeting daw ito sa
immediate superior nito. Hindi na niya pinagkaabalahang sagutin iyon at sa
halip ay nakipaglunch sa kaibigan niyang si Danny. College friend niya ito na
kauuwi lang sa Pilipinas mula sa matagal na pagtatrabaho sa Dubai. Bakla ito
ngunit hindi mahahalata sa kilos at pananamit dahil lalaking-lalaki itong
tingnan at gwapo pa. Habang kumakain ay tatlong beses ng tumatawag si Sean sa
kanya, tawag na hindi niya sinasagot. Upang hindi na makatawag ito ay pinatay
niya ang cellphone niya. Papalabas na sila ng restaurant na pinagkainan nila ng
makita niya ang kotse nitong kaka-park lang sa harap ng building. Walang dudang
makikita sila nito dahil sa nasa ground floor ng building lang din na yun ang
restaurant na pinagkainan nila.
“Danny,
tulungan mo ako. Magpanggap kang nilalandi ako bilis,” pasimple niyang bulong
ditto.
“What?!
Girl hindi tayo talo,”
“Please,
makisakay ka na lang, mamaya na ako magpapaliwanag,”
“But..”
wala ng naidugtong ito dahil ipinaikot na niya ang isang braso nito sa beywang
niya. Siya naman ay ngumiti ng ubod tamis ditto at nagkunwaring hindi nakita si
Sean. Imbes na tumutol ay sumakay na lang din si Danny sa trip niya at hinapit
pa ang beywang niya palapit sa katawan nito. Hindi pa nakuntento sa palabas ay
humalik pa siya sa pisngi nito at kunwari ay may ibinulong dito. Ito naman ay
nakangiti lang sa kanya, tila naaamuse sa mga pangyayari.
“What the hell is
wrong with you?!” sabay hablot ni Sean sa kamay niya. Galit na galit ang
hitsura nito, pati magkabilang taynga nito ay namumula. Inilayo siya nit okay
Danny at pilit kinaladkad palabas ng building, hindi alintana ang ilang taong
nakatingin sa kanila.
“Wag mo akong
sisigawan!” mahina ngunit mariin niyang angil dito.
“What are you
doing kissing that guy when you know you have a boyfriend?”
“What, you think
ikaw lang ang marunong maglaro? Hindi mo ako mapapaikot sa mga daliri mo Sean,”
“Don’t you dare
turn the tables on me. It’s you who’s been playing me all this time! My God
Ruthie, I never expected you to be such a slutty bitch! To think I was always
sure that you’re not the kind to play around,”
“Wag kang
magmalinis dahil alam kong meron kayong relasyon ni Faye. Hindi pala talaga ako
nagkamali nuon. And to think na-guilty pa ako na pinagbintangan kita dati for
being such an asshole. Sana pala hindi na ako nag-aksaya ng laway ko sa
paghingi ng tawad sa’yo,”
“You are really
something, Ruthie…” napapalatak pang sabi ni Sean, kitang-kita ang galit at
frustration sa mukha.
“Wag mo akong
babaliktarin Sean dahil kung sa ating dalawa lang, mas ikaw ang manloloko!”
Sa galit nito’y
hinaklit nito ang braso niya at walang sabi-sabing isinakay siya nito sa kotse
pagkatapos ay pinaharurot iyon.
“What are you
doing? Saan mo ako dadalhin you bastard!”
“Just shut up kung
ayaw mong mabangga tayo because right now Ruthie, I seriously need to focus on
driving or I might just wring your pretty neck…” kitang-kita niyang
napapatiim-bagang ito sa galit. Dahil sa takot na baka mabangga nga sila ay tumahimik na lamang siya
at hinayaan itong magmaneho sa kung saan mang lugar ang destinasyon nila. Ilang
minuto pa ay narrating na nila ang building kung saan naroon ang condo unit
nito.
“Ba’t mo ko dinala
dito? Tapos na tayo kaya pabayaan mo na ako!”
“Nope, hindi pa
tayo tapos! Mag-uusap tayo ng matino…”
“Wala na tayong
pag-uusapan pa dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na manloloko ka at
pinaglalaruan mo lang ulit ako. Ako namang si tanga eh naniwala sa’yo. Well,
para sabihin ko sa’yo, hindi ako ganoon katanga para makinig pa sa mga
kasinungalingan mo!”
“Well you have no
choice but to listen to me. If I have to drag and carry you to my unit I’ll do
it just so we can clear this mess,” at iyon nga ang ginawa nito. Balewalang
binuhat siya nito na parang sako ng bigas. Wala itong pakialam kahit pa
pinagtitinginan na sila ng iilang taong naroon sa basement parking. Hanggang
makarating ng elevator ay hindi pa rin siya ibinababa nito. Mabuti na lang at
silang dalawa lang ang nakasakay duon ng mga oras na iyon.
“Put me down! Ano
ba, pinapahiya mo ako sa mga tao Sean!”
“Nope, I won’t put
you down so just shut up,” anito sa kanya. Halata sa boses nito na kinokontrol
lamang nito ang galit na nararamdaman.
Chapter 10
“Okay, talk… and
start from how THIS all started,” anito sa kanya nang maideposito siya nito sa
lovechair sa loob ng unit nito.
“How dare you! I
cannot believe that you subjected me to such an embarrassing scene! I hate you
and I will not forget what you did to me, EVER!” aniyang nagmamadaling tumayo
upang umalis sa lugar na iyon.
“You are not
getting out of here until we have this cleared. Believe me Ruthie, I’m as angry
as you right now..angrier in fact, but I’ll not let myself succumb to the
temptation of breaking up with you just because of what I saw. You know why?
Because I will regret it in the end, that’s for sure. I love you that much. I’m
being a fool right now, I’m sure you must be laughing on the inside… but what
the heck! I don’t care anymore…so TALK.”
Sa narinig ay
hindi napigilan ni Ruthie ang kasiyahang nadama sa puso niya. Unti-unti ay
nawawala ang matinding galit na nararamdaman niya. Pinilit niyang kalmahin ang
sarili at umupo.
“Ruthie…”
“Fine! Faye came
to my house last Sunday. She said she wanted to apologize for what she did to
me back then. I told her I already forgave her and so she asked if we could be
friends. I said yes and it seemed that
she was genuinely happy about it. Then she invited me for a snack at
Albertini’s. It was then that you called her. I knew it was you because her
phone was showing YOUR face, with HER kissing you on the cheek! The picture
showed you two being lovey-dovey with each other and so I asked her if you two
are a couple. She answered yes. Know what? She told me you’re just playing me,
carrying out your revenge because I hurt your ego big time…”
“Ruthie, Ruthie…”
putol nito sa pagkukuwento niya.
“What, don’t start
with your lies again Sean,”
“Why are you so
gullible Ruthie? After everything she did to you, you still believed her?? ”
“Because she has
proof Sean! You did call her that day, don’t deny it. And what about that
picture on her phone huh?”
“Proof? You call
what you saw proof? My God Ruthie, did it not ever occur to you that maybe,
just like what happened before, she was again scheming to break us up? Yes, I
admit, there was a time when we had a thing going on, but that was ages ago! We
never even lasted two months. Faye has always been a friend to me and our
families are friends, but we could never be more than that…because it has
always been you, and it will always be you…”
“You and your
sweet tongue,” pasarkastiko pa niyang sabi. Unti-unti nang lumalambot ang puso
niya para dito ngunit pinipigilan pa din niya ang damdamin niyang tuluyang
maniwala.
“Tell me, what do
I gotta do to prove to you I’m telling the truth?”
“Nothing you say
will make me believe you again,”
Walang sabi-sabi
ay tumayo ito at may tinawagan sa cellphone nito. Palakad-lakad pa ito habang
hinihintay na sumagot ang nasa kabilang linya.
“Faye,” anito
pagkatapos ay ini-on ang speaker ng cellphone nito.
“Hi Sean! What a
nice surprise!”
“Did you go to
Ruthie’s house?” tanong nito sa babae. Ilang segundong walang sumasagot sa
kabilang linya bago niya narinig ulit ang boses ni Faye.
“No, why would I
do that?”
“I don’t know, you
tell me…”
“What’s this about
huh, Sean?”
“Why are you
messing up everything again?! Ruthie is really pissed at me right now because
you convinced her I was just playing her. Just what did you tell her Faye?”
“Really Sean, why
would she bring my name up? The nerve of that woman to put the blame on me. I
already apologized to you and we have already moved on from all that crap. I
didn’t even know you two are back together again. If I did and you wanted my
help in winning her back, I would have helped you, even if I don’t like
her, and I never will. I’m your friend
remember? Why would I want to cause you all that hurt and frustration?”
pangungumbinsi pa nito kay Sean. Sa mga naririnig niyang pinagsasabi ni Faye ay
tila umakyat lahat ng dugo niya sa ulo dahil sa galit kaya hindi na niya
napigilan ang sariling sumabat sa pag-uusap ng dalawa.
“How dare you
Faye! Sinungaling ka! All this time si Sean ang pinagbibintangan kong masama
yun pala ikaw itong demonyo!” Sandaling natahimik ulit si Faye sa kabilang
linya kaya sinamantala na niya ang panunumbat dito.
“Huwag mong
ipagkaila na nakipagkita ka sa akin para humingi ng tawad, you bitch. Ang
galing mong umarte! Muntik na kaming magkasira ni Sean ng dahil sa mga
kasinungalingan mo!”
“I don’t have to
explain anything to you Ruthie dahil wala akong pakialam anuman ang tingin mo
sa akin. Sean, please listen to me. I only did what I did because I only want
what’s best for you. You deserve someone better. You are way out of her league
Sean, hell, she doesn’t even move in the same circle as you. Can’t you see that
with Ruthie you are on the losing end of the bargain?” pangangatwiran pa nito
kay Sean.
“And who would be
perfect for me then Faye? Ah, I know, of course it would be you! Well you know
what? I totally disagree and I completely don’t
give a damn about what other people will say. Ruthie is the one for me
so just back the hell off okay? You don’t have the right to decide about what’s
best for me and what’s not, you’re just my friend…no, I take that back, you
just lost me as a friend. Goodbye.” Pagtatapos nito sa pag-uusap nila sa telepono.
Ilang sandali ding namayani ang katahimikan bago ito nagsalitang muli.
“So, what now?”
tanong nito sa kanya. Walang anumang emosyon ang mababasa sa mukha nito. Hindi
tuloy niya malaman kung paano sasagutin ang tanong nito. Mahabang sandali ng
katahimikan ang nangibabaw hanggang sa tumayo ito at nakapamulsang tumungo sa
terrace ng unit nito.
“Sean…”
“What?”
“…I’m sorry… I’m
really, really sorry for not believing you,” aniyang bahagyang pumipiyok na ang
boses. Nang marinig siyang nagsalita ay humarap ito sa kanya kaya’t nakita nito
ang mga luhang nagbabantang tumulo sa mga mata niya.
“I’m sorry, so
sorry for doubting you again,” aniyang mangiyak-ngiyak pa rin.
“You always doubt
me Ruthie. To tell you honestly, it does not speak well of our future together.”
Namayani na naman ang katahimikan sa kanilang dalawa hanggang sa magsalita ulit
ito.
“Really, Ruthie,
I’m getting tired of all the doubt, all the suspicions, all the accusations…”
“So…what do you
want then?”
“I don’t know,
what do YOU want?” makikita ang resignation sa mukha nito habang nagsasalita.
“If…if you want to
break up with me…I’ll…I’ll respect your decision” aniya sa nababasag na boses.
Hindi siya makatingin ng diretso dito kaya’t yumuko na lamang siya para hindi
na nito makita pa ang sakit at guilt na nararamdaman niya.
“Ruthie..” anitong
itinaas ang mukha niya upang makatingin siya sa mga mata nito. Tenderness was
written all over his face as he looked her in the eye. “Didn’t you hear what I
said earlier? Kaya nga tayo nag-uusap at nagkakalinawan ngayon diba, kasi
ayokong magkahiwalay tayo?”
“Pero…you saw me
kissing another guy.. and inaway-away kita, pinagbintangang manloloko,
sinungaling,”
“Yeah, and that’s
why I said I’m getting tired of all of it,” putol nito sa sinasabi niya. “It
doesn’t mean though that I wanna break up with you. What I want is for you to trust me,
completely.”
“Pero..”
“But if you really
want to break up with me because of that guy, then I guess I don’t have a
choice…”
“No! Sean, the guy
you saw me kissing on the cheek, he’s gay. He’s my friend too. Nagkataon lang
na magkasama kami at nauna kitang nakita kaya pinakiusapan ko siyang umarte na
magkarelasyon kami.”
“Really?” anitong
nakataas pa ang kilay, with a trace of a smirk on his lips. Hindi niya malaman
kung naaaliw ito sa sinabi niya o hindi ito naniniwala.
“Really. I just
wanted to get back at you for hurting me. Believe me, Sean, that was just an
act. And I’m really sorry again for hurting you. I don’t want to break up with
you, at least not anymore. I love you,” nahihiya pa niyang sabi dito.
“FINALLY! A
confession and an apology from you, that’s all I ever really want from all of
this baby. I love you so much that it hurts just thinking about you wanting to
break up with me. Alam mo bang gusto kong pagsusuntukin yung lalaking hinalikan
mo kanina? Kung di lang ako nakapagpigil…”
“I’m really,
really sorry..” aniyang nakayuko na naman.
“It’s okay baby,”
anitong niyakap siya ng buong higpit. Itinaas nito ang mukha niya at ginawaran
ng masuyong halik ang kanyang mga labi. All the love that he felt for her, she
was able to feel in that kiss. Passionate yet tender, parang lomobo ang puso
niya sa pagmamahal na nadarama niya para dito.
“You know
what? I’ve suddenly thought of a way to
let you make up to me..” anito nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
“What?”
naku-curious naman tanong niya.
“I want a marriage
proposal, from you..” anitong seryoso ang mukha.
“What?!?” bulalas niya, hindi makapaniwala sa sinabi
nito.
“You heard me, I’m
buying the ring but you have to be the one proposing,” pilyo na ang ngiti nito,
halatang pinagkakatuwaan siya. Weird man ang request nito ay hindi rin naman
niya gustong idismiss ang ideyang iyon. Aba, if it means a lifetime with him, papatusin
ko na kahit magpoledance pa akong nagpoprose..
“Game! So kelan mo
gustong mag-propose ako?” hamon niya dito. Sukat sa sinabi niya ay napahalakhak
ito at niyakap ulit siya ng mahigpit. Siya naman ay nangingiting hinawakan ang
dalawang pisngi nito at ginawaran ito ng isang masuyong halik sa labi.
No comments:
Post a Comment