Chapter 5
Sandaling nablanko
ang isip nya ng kunin nito ang kamay nya at ilagay dito ang box.
“Umm…”
“What?”
“Ba’t mo binibigay
sa’kin to?” feeling nya ay tanga siya sa tanong nyang iyon ngunit hindi sya
makapaniwalalang binibigay nito sa kanya ang regalo o sadyang binibiro lang
siya nito. Kung binibigay nito sa kanya ang necklace…nangangahulugan bang
liligawan sya nito at may gusto ito sa kanya?
“I’m giving it to
you… as a gift,”
“Bakit? Akala ko
ba para sa nililigawan mo ito?”
“Isn’t it obvious
Ruthie? Ikaw yung girl na tinutukoy ko,”
“Ano ba to,
lokohan?”
“What?! Of course
not,”
“So…so you’re
saying na gusto mo ako? Na liligawan mo ako?”
“Yes,”
“Bakit?” tila
hindi makapaniwalang tanong ulit nya rito.
“Anong bakit?
Imposible bang magkagusto ako sa’yo?”
“Oo, imposible,”
“Well, ako na ang
magsasabi sa’yo, you are a very special girl Ruthie. Alam mo ba, noong nakita
kita ulit sa library, alala mo yun? I was already drawn to you then. Mas lalo
pa nung magkita tayo sa Prom. From then on, I could not seem to stop myself
from getting to know you better. That’s why I always made the effort to be with
you and your friends. Ayokong biglain ka at manligaw agad sa’yo dahil feeling
ko matatakot ka lang and then you’ll be even harder to approach. Noon pa lang,
alam ko nang mahiyain ka at ilag sa mga taong kagaya ko. That’s why I wanted to
let you know me better first.”
Mahabang sandaling
hindi nakapagsalita si Ruthie. Bagama’t masaya sa nalaman, hindi din nya
maiwasang mailang rito. Bigla ay hindi na nya alam kung paano pakikitunguhan
ito.
“Ruthie, please
say something,”
“Sean, baka
naco-confuse ka lang sa nararamdaman mo. I mean, look at me, I’m not pretty,
I’m not popular and worst, I’m even called a geek at school. You seriously
think that you want to have a geek for a girlfriend when you’re the most
popular guy in school? Kung mangyayari yun, magiging laughingstock ka rin and
ako, lalala ang mga panunukso sa akin. Alam mo naman kung gaano ko kaayaw ang
ganuong atensyon diba?”
“Ruthie, bakit ba
ang negative mo? Hindi ka pangit ok? In fact, I find you really cute and
pretty. Kahit wala kang ni isang make-up, kahit pa ang laki ng eyeglasses mo.
Seriously, I even find those cute on you. At saka bakit mo ba iniisip ang
sasabihin ng ibang tao? Let’s not give a damn about what they think and say
please?”
“Easy for you to
say, you can afford not to care,”
“Because it’s what
we should be doing Ruthie. We shouldn’t care about what other people will say.
People will always find something bad to say about a person so it’s better to
just ignore them. I really like you Ruthie. I like that you are ‘geeky’, I like
that you are who you are, and I don’t want you to change anything just because
of peer pressure.”
“Ewan
ko…naguguluhan ako,”
“Don’t you like me
too?”
“I don’t know
Sean, I just… need to think about this. Pwede na ba tayong umuwi?”
Hindi na ipinilit
pa ni Sean ang pangungumbinsi sa kanya. Pagkatapos magbayad ay pumunta na agad
sila sa parking area kung saan naroon ang sasakyan nito. Habang nagdadrive
pauwi ay pareho silang tahimik. For herself, Ruthie felt awkward and yet happy.
Hindi niya maitatangging natuwa siya na malamang may gusto si Sean sa kanya
dahil kahit ilang beses man niyang ideny sa mga kaibigan niya ay alam niyang
may gusto na din siya rito. In fact, gustong-gusto niya ito at selos na selos
siya kaninang nagpapatulong itong bumili ng regalong akala niya ay para sa
ibang babae. She just didn’t know if admitting that she liked him too and
ultimately being his girlfriend would be a good idea at all.
“Hey Sean!” bati
ni Faye sa kanya ng magkita silang magbarkada na taga-Varsity. Kasama ng mga
kabarkada niya si Faye at ang dalawang kaibigan nito na pawang mga cheerleaders
din.
“’bro, musta?”
Hindi ka na sumasama-sama sa’min these days ah. Mukhang totohanan na talaga
‘yang sa inyo ni Ruthie ha,” ani Roy na tila inuusyoso kung ano talaga ang
relasyon nila ni Ruthie. Ngumiti na lang siya at sadyang hindi sinagot ang
pahayag na iyon ni Roy. For some reason, he didn’t want to share just yet what
Ruthie and Him have. Siguro ay dahil parang nahuhulaan na niyang hindi pabor
ang mga ito kay Ruthie. Kung si Roy lamang ang nandoon marahil ay nagkuwento pa
siya. Yun ay dahil alam niyang mapagkakatiwalaan niya ito at sigurado siyang
iintindihin siya nito. Ang ibang mga kabarkada niya ay hindi niya masasabing
katulad ni Roy. Puros snobs ang mga ito. Ni hindi niya pa nga nakita ang mga
itong nakihalubilo sa ibang mga estudyanteng hindi sikat sa campus. Ang tipong
babae ng mga ito ay yung katulad ni Faye, maganda, magaling magdamit at magdala
sa sarili, mayaman, campus princess, at yung nasasakyan ang mga trip nila.
Hindi naman niya itinatangging noon ay ganoon din siya. Bagama’t hindi niya
naging girlfriend si Faye, inaamin niyang nag-enjoy din siyang kasama ito.
Balewala sa kanya dati ang pagka-superficial nito, pati na ang pagiging bitchy
nito sa iba. Nagbago lamang ang paningin niya dito ng magustuhan at mas lalo pa
niyang makilala si Ruthie. Malayung-malayo ang ugali ni Ruthie kay Faye.
Bagama’t may inferiority complex ito at sobrang mahiyain, hindi maitatagong
mabait ito. Simpleng-simple, mahinhin, matulungin, mapagkumbaba, at masayahin
si Ruthie. Natuklasan na lamang niya ang mga katangiang iyon ng babae simula ng
maging kumportable ito sa kanya. Unti-unti ay nawala ang awkwardness nito sa
kanya at lumabas ang natural na personalidad nito. Tuloy ay lalo siyang
nagkagusto dito at wala na siyang ibang inaasam sa ngayon kundi ang sagutin
nito.
Katatapos
lang ng last class nila ng hapon na iyon ng makita niya si Ruthie na tila may
hinihintay habang nakaupo sa bench na di kalayuan sa classroom nila. As usual
ay nakatungo ang ulo nito at tila abalang-abala sa binabasang libro. Hindi pa
sila ulit nagkakausap since the day na nagpunta sila sa mall at nagtapat siya
rito, and that was three days ago. Kahit nami-miss niya ito ay pinilit niya ang
sariling huwag munang magpakita rito at bigyan ito ng time para makapag-isip
tungkol sa kanilang dalawa. In those three days, inuunti-unti din niyang
kinukondisyon ang isip na baka hanggang kaibigan lang ang tingin ni Ruthie sa
kanya. Nang mag-angat ito ng tingin at magtagpo ang mga mata nila ay alanganing
ngumiti ito at yumuko ulit, ngunit hindi nakalagpas sa mga mata niya ang
pamumula ng mga pisngi nito. Ruthie,
Ruthie, why do you have to be so adorable… napapangiti talaga siya kapag
nakikitang nagba-blush ito, tuloy ay
hindi na niya napigilan ang sariling lumapit dito.
“Hi
Ruthie,”
“Sean,”
ganting-bati nito sa kanya.
“May
hinihintay ka ba kaya ikaw lang mag-isa rito?” tanong niya sabay upo sa tabi
nito. Umusod ito palayo ng konti ngunit hindi naman siya pinigilang umupo.
“Uhhmm..actually,
ikaw ang hinihintay ko,” namumula na naman ang pisngi nito.
“Ah
really? Gusto mo meryenda muna tayo? My treat,” aya niya dito. Halata niyang
hindi na ito kumportable dahil maging siya man ay nagiging aware na iilan sa
mga kaklase at kaibigan niya ay pasimpleng tumitingin sa kanila. Mas magiging
at ease siguro ito kung sa labas na lang sila mag-uusap.
“Sige,”
sang-ayon nito sa suhestiyon niya. Dahil parehong wala na namang klase ng araw
na iyon ay nagpasya silang sa mall na dumiretso kung saan madami silang
mapagpipiliang kainan.
“What
do you want to eat Ruthie?”
“Uhhmm..pizza
na lang, okay lang ba?”
“Pizza
sounds great!” Sa Sbarro na sila pumasok at umorder ng pizza. Pagkatapos
umorder ay naghanap sila ng puwesto sa sulok ng restaurant.
“So,
what do you want to talk about Ruthie?” untag niya dito nang maging kumportable
na ito sa upuan.
“Yun
sanang…yung sa sinabi mo the last time..” nauutal na sagot nito sa kanya.
“And…”
panghihimok niya rito.
“Kuwan
kasi Sean..uhmm..kasi..”
“Ruthie,
its okay..you can just tell me and I will accept whatever it is. If you only
think of me as a friend then what can I do right? Hindi naman napipilit ang
puso. As long as hindi ka magiging awkward ulit sa akin at hindi mo na ako ulit
iiwasan, I am going to will myself to be contented with that.” Pinilit pa rin
niyang ngumiti rito kahit saloob-loob ay mabigat na ang pakiramdam niya sa
isiping basted siya kay Ruthie. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.
“I’ve
thought about what you said…and I even consulted my friends about it, I hope
you don’t mind..”
“No,
not at all,”
“Ang
totoo kasi, I uhm…” nagsisimula na namang mamula ito.
Parang nahuhulaan ko na ang sasabihin niya gusto
na niyang sumigaw sa tuwa ng mga sandaling iyon, pinipigilan lang niya dahil
baka nasosobrahan lang siya sa pag-aassume. It was hard to keep his face devoid
of any expression pero alam niyang mas mahihiya si Ruthie kapag ipinahalata
niyang alam na niyang may gusto din ito sa kanya.
“Ang
totoo ay..?” himok pa niya rito.
“S-sige..sinasagot
na kita,” pulang-pula na talaga ang mukha nito. Sukat sa sinabi nito’y hindi na
niya napigilan ang pagsilay ng malapad na ngiti sa mga labi niya. Sa sobrang
tuwa ay ginagap niya agad ang dalawang kamay nito at pinaghahalikan.
“Really?
Really? You mean that Ruthie?” paniniguro pa niya.
“Sean,
ano ka ba, tigilan mo nga yan,” saway nito sa paghalik niya sa mga kamay nito.
“And yes, really, I meant what I said.”
“Woohoo!”
napalakas pa ang boses niya, dahilan upang lumingon sa kanila ang ibang mga
customers na kumakain din sa restaurant na iyon.
“Sean,
pleeeaassee stop..hinaan mo ang boses mo..pinagtitinginan na tayo o,”
“Oooppss
sorry Ruthie, I’m just so happy right now gusto ko lang ilabas,” hindi
mawala-wala ang ngiti sa mga labi niya ng mga sandaling iyon. “Thank you
Ruthie, I promise I’ll be the best boyfriend to you,” pangako niya pa rito.
“Promise
yan ha, ‘wag mo akong paiiyakin kundi lagot ka sa’ken,” anitong nakangiti na
rin kahit namumula pa rin ang mukha.
“Hi baby,” bati ni Sean
kay Ruthie sabay yakap sa beywang nito. Sa tuwina ay laging gusto niyang
maglambing dito. Gustong-gusto niya parati ang nakayakap dito o haplos-haplusin
ang malambot at mabango nitong buhok. Kapag nagkakatabi naman sila ng upo ay
palagi na lamang siyang nakahawak sa kamay nito. Habit na yata niyang
pisil-pisilin ang malambot at makinis nitong kamay. Weird man ay inaamin niyang
ang mga kamay nito ang isa sa mga
paborito niyang physical assets ni Ruthie. May pagka-weirdo rin ata siya, hindi
lang halata.
“Hmm,”
ganting-bati nito sa kanya na hindi na lumingon, bagkus ay pinaikot na lamang
nito ang mga kamay sa mga braso niyang nakapalibot sa beywang nito. Sabado ng
araw iyon at may usapan silang magpi-picnic sa may beach malapit sa subdivision
kung saan nakatira ito.
“Alis na ba tayo?”
tanong nito sa kanya.
“5 minutes lang
baby,” sabay hinigpitan ang yakap niya dito. “Baby, do you find me really
good-looking?” tanong nya dito.
“Oo naman. Ba’t mo
naman natanong?”
“Eh kasi naman, sa
campus, isa ka yata sa mga iilang girls na hindi patay na patay sa akin eh,”
biro niya rito.
“Yabang!”
“Hahaha! Joke
lang! Pero seriously, did there ever come a time before na nagkaroon ka ng
crush sa’kin? Noong hindi pa tayo magkaibigan?”
“Wala, promise…”
“Ouch..”
“Wait, makinig ka
muna sa akin. Kasi diba, ayokong nakikihalubilo sa mga sikat sa campus. Mas
gusto ko yung mga taong low-profile lang, mas kumportable ako sa mga taong
ganun. Eh ikaw, exact opposite ka kaya ng mga gusto ko. Pero kilala na kita
dati pa, hindi nga lang ako interesado sa’yo.”
“Pero what about
now?” pangungulit niya pa rin dito.
“Syempre iba na
ngayon, tinatanong pa ba ‘yan?”
“Eh gusto kong
maniguro eh,”
“Asus, insecure ka
ganun?!”
“Eh kasi naman
ikaw, parang ‘di mo naman ako love,”
“Baliw!”
“O tingnan mo,
kung makapagsalita ka sa akin, kahit katiting na lambing walaaaa talaga, tsk…”
“Awww nagtatampo
ba ang baby ko?” anito sabay yakap sa kanya.
“Hmm medyo lang
naman,”
“Hay naku, hindi
pwede sa akin yang mga tampo-tampo. Ang gwapo ng boyfriend ko baka pumangit pa
ito ‘pag nagtampo. Anong gusto mo baby, food? Masahe? Hug?”
“Kiss!” hirit niya
rito, hindi maipagkakaila ang kapilyuhan sa mukha.
“O,o sumobra ka
naman!” pabirong tampal pa nito sa pisngi nya.
“Smack lang
naman!” hirit niya pa din, sa pag-asang pagbibigyan siya nito.
Pabirong sinapak niya ito at sabay
pa silang nagtawanan. Their eyes met and suddenly it seemed as if the world
stopped turning. Nothing else mattered except the two of them. Sean was staring
into her eyes, stealing glances on her lips, as if asking for permission to
kiss her.
Sean was staring
at her lips. She could not stop herself but stare at his lips as well.
Unti-unti ay palapit ng palapit ang mga labing iyon sa kanya, until their faces
were only inches away from each other and she could smell his minty breath.
When she stared back into his dark eyes she could see the eagerness in them, yet he was still
patient. Gustong-gusto din niyang halikan ito ngunit hindi niya alam kung paano
ipaparamdam iyon dito. Perhaps he sensed it, with the way she was looking at him,
because his lips slowly moved to kiss hers. Awtomatikong napapikit siya at
ninamnam ang mga labi nito at ang halik nito. It was her first kiss, and Sean
gave it to her. It was as if there were butterflies fluttering in her stomach,
and it was not an unpleasant feeling at all. Masuyong-masuyo ang halik nito sa
kanya, na para bang sa ganoong paraan nito mapapadama na para siyang isang
babasaging Kristal na kailangang ingatan. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi
ay tila nanghihina ang mga tuhod niya kaya napahawak ang mga kamay niya sa
balikat nito. Ito naman ay tila nanghihinang isinandal ang noo sa kanyang noo.
Nakapikit ang mga mata nito at may ngiti sa labi. Nang magmulat ang mga mata
nito’y tumitig ito sa kanya at kapwa sila napangiti.
“Thank you baby,”
“For what?”
“For allowing me
to kiss you, for letting me be your first kiss,” anito sa kanya. Tenderness was
written all over his face. Sa sinabi nito’y wala siyang maisagot. Ngumiti na
lang siya at yumakap dito ng mahigpit.
“I love you baby,”
anito at gumanti ng yakap sa kanya, sabay halik sa buhok niya. Ang saya-saya ng
pakiramdam niya ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay siya na yata ang
pinakamaswerteng nobya sa buong mundo, dahil ramdam niyang mahal na mahal siya
ni Sean, at mahal na mahal din niya ito.
Chapter 6
“Hi Ruthie,” bati
ni Faye sa kanya isang umaga habang naroon sila sa locker area. Katatapos
lamang ng PE class nila at kasalukuyang ibinabalik niya ang mga gamit sa
locker, sabay kuha na rin ng pamalit na uniform.
“Hi Faye,” ganting
bati niya rito. Simula ng maging sila ni Sean ay parating matatalim ang mga
tinging ipinupukol ni Ruthie sa kanya. Marahil kaya hindi ito makalapit sa
kanya upang mang-away ay dahil palagi niyang kasama si Sean o ang mga kaibigan
niya. Mukhang nakakita ito ng pagkakataon ng araw na iyon sapagkat pinauna na
niya ang mga kaibigan sa Canteen para magsnack. May usapan kasi sila ni Sean na
magkikita saglit dahil may ibibigay daw ito sa kanya. Mag-eexcuse lang daw ito
sandali sa klase para kitain siya saglit.
“Looks like you’re
all alone right now, which is a rarity these days,” panunuya ni Faye sa kanya.
Hindi na lamang niya sinagot ito at kunwari ay inabala ang sarili sa
pag-aarrange ng mga gamit niya. “Hey, you should look at me when I’m talking to
you. What you’re doing is rude you know,” patuloy na pagsasalita nito sa kanya.
“What do you want
with me Faye?” mahinahong sagot niya rito. Bagama’t naiinis na ay hindi niya
ipinahalata iyon dito. Alam niyang wala siyang mapapala kapag pinatulan niya
ito. Baka nga sa halip na may mapala siya ay siya pa ang mapasama. Hindi kaila
sa buong campus na kung gaano kasikat ito dahil sa kagandahan nito ay ganuon
din ito kasikat dahil sa katarayan.
“So, I’m guessing
you must be in cloud 9 the past few weeks huh, Ruthie?” Panunuya pa rin nito sa
kanya. “Well, just a piece of advice, ‘wag kang masyadong masanay para hindi ka
masaktan ng todo in the end,” dagdag pa nito.
“Diretsahin mo nga
ako Faye. What are you trying to say huh?” naiinis na ring sagot niya dito.
“You want it
straight then? Okay, let me tell you the truth. Just be sure you can handle
it,” kasabay noon ay ang biglang pagseryoso ng mukha nito. “Sean got into a bet
with his friends from the varsity team. The guys dared him to make you his
girlfriend for 3 months. Kapag nagawa niya yun ay mapupunta sa kanya ang isang
prized possession ng mga ito, at siya na ang magiging Captain ng Basketball
Team.”
“You’re lying.”
“Am I? You can ask
him, straight to his face. Go ahead, you think I’m bluffing? I dare you to call
my bluff,” anitong hindi kababanaagan ng pag-aalinlangan ang mukha. Tila
sigurado ito sa lahat ng sinasabi nito kaya’t nakapagtanim iyong ng pagdududa
sa isip niya.
“Sean would never
do such a thing. He’s a good guy and he has never done anything to hurt me,”
pagdedepensa pa rin niya sa kasintahan niya sa kabila ng kanyang pagdududa.
“Oh there’s no
doubt Sean’s a great guy Ruthie, but he’s not a saint. And, you have to admit
he becomes childish at times. He shows that side of him more often when he’s
with us. He’s so comfortable with us kaya lumalabas ang pagkaisip-bata at
kapilyuhan niya. Nagkataon lang na napasubo siya at ego na niya ang nakataya
kung hindi niya gagawin iyon.”
“How come you know
so much? Siguro kasi imbento mo lang ang mga pinagsasabi mo sa akin,”
“I know so much
because I was the one who suggested the idea. Swerte ko namang nagustuhan nila
ang suggestion ko. Here, I accidentally recorded that conversation about the
bet thingy. If you want, you can listen to it,” anito sa kanya, sabay pindot sa
play button ng cellphone nito. Dahil napukaw na ang curiousity niya at dahil na
rin sa pagdududa kaya pinakinggan niya ang pag-uusap na na-record ni Faye.
Kahit medyo maingay ang background, malinaw na maririnig pa rin ang dalawang
taong nag-uusap. Walang dudang si Sean at Faye nga ang mga iyon. Dinig na dinig
pa niya ang tawa ni Sean habang nag-uusap ito at si Faye. Tila natuwa pa ito sa
suggestion ni Faye na pagpustahan siya. Shit,
pinaglaruan lang nila ako… ang sakit-sakit ng dibdib niya ng mga sandaling
iyon. Parang gusto niyang sumigaw ngunit pinipigilan lamang niya ang sarili.
Ayaw niyang umiyak sa harap ni Ruthie at makita siya nitong sobrang nasasaktan.
Kahit napakahirap ay napanatili niyang blanko ang mukha hanggang sa natapos na
ang recorded conversation.
“Well, I think
I’ve warned you enough. Nasa sa’yo na lang yan if you’ll choose to believe me
or be in denial about the truth. I admit I’m a bitch Ruthie, but I’m not that
bad so as to leave you blind and grasping in the dark. May puso pa rin naman
ako. So, ta-tah….” Pagkasabi niyon ay umalis na kaagad ito na parang walang
anumang nangyari.
Naiwan si Ruthie
na hindi makapagsalita at nanginginig sa galit. Parang sasabog ang dibdib niya
sa nararamdaman. To calm her rioting emotions, she took several deep breaths.
Tiyempo namang medyo kumalma na siya ng kaunti ng dumating si Sean na may
dalang paperbag.
“Hi baby! Papunta
ka na bang canteen? Tamang-tama, nagpunta sina mommy ng Baguio noong weekend
kaya nagpabili ako ng strawberries at Lengua de Gato. I’m sure magugustuhan mo
to kasi hindi nakakaumay kahit matamis. Me honey din para gagawin mong dip sa
strawberries. The best ang lasa, promise,” excited pa nitong pagbibida sa kanya
habang pinapakita ang laman ng paperbag.
Dahil
sa pinipigilang galit ay hindi siya makapagsalita. Pinanood niya lang ito sa
ginagawa, hanggang sa napansin nitong hindi siya kumikibo.
“Hey, what’s
wrong?” puna nito sa kanya. Nang tumingin ito sa kanya ay nakita niya ang
concern sa mukha nito.
Ang galling mong umarte hayup ka! Sigaw ng isip niya ngunit walang lumalabas na
salita sa bibig niya. Nararamdaman niyang ilang sandali na lang ay tutulo na
ang luha sa mga mata niya. Don’t let him
see you cry, get out of there… utos ng isip niya. Para makabawi sa ginawa
nito ay sinampal niya ito ng ubod-lakas. Nakita pa niyang bumakas ang palad
niya at namula ang pisngi nito bago siya nagmadaling tumalikod at naglakad
palayo dito.
Naiwan si Sean na
natutuliro sa mga pangyayari. What just happened? What did I do? His ear
was still ringing and his cheek was still burning dahil sa lakas ng
pagkakasampal ni Ruthie sa kanya. Gusto niyang magalit dito dahil basta na lang
itong nagalit at nanampal without any explanation. Ngunit higit sa galit ay
pag-aalala ang nararamdaman niya para dito. Nang tanungin niya kung ano ang
problema ay nakita niya ang sakit at galit sa mga mata nito. Tila pinipigilan
pa nito ang sariling umiyak, nakatiim-bagang pa ito. Gustong-gusto man niyang
sundan ito ay pinigilan niya ang sarili. Maybe
it’s best if you let her calm down a bit, baka lumala pa ang galit niya ‘pag
kinausap mo ngayon..anang isip niya. Hindi man mapalagay ay bumalik na din
siya sa classroom para tapusin ang klase niya.
“Hi Baby,”
nananantiyang bati ni Sean sa kanya.
Isang malakas na sampal na naman ang sumalubong dito mula sa kanya. Hindi
nakapagsalita dahil sa pagkabigla, napatulala na lang si Sean sa kanya.
“Ang sama mo..ang
sama sama nyo! Ano bang nagawa ko sa
inyo ng mga kabarkada mo para ganituhin mo ako, ha, Sean? Ano?!”
“Ruthie, ano bang
sinasabi mo? Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling yang galit mo sa
akin. Bigyan mo naman ako ng paliwanag para naman maayos natin to…”
“Nagmamaang-maangan
ka pa! Alam
ko na ang lahat! Kung paanong pinagpustahan nyo ako ng mga kabarkada mo! Bakit
ako pa? Wala akong ginawa sa inyo, nung una pa lang umiiwas na ako para lang
hindi makakuha ng kahit na anong klaseng atensyon galing sa mga taong
mapanghamak na katulad nyo. Ang sama-sama nyong lahat, kulang ang sampal sa
ginawa mo sa’kin Sean!” Maluha-luhang sumbat ni Ruthie kay Sean.
“Teka lang Ruthie,
please let me explain okay? Inaamin ko pinag-usapan ka namin nina Roy at Faye pero hindi ako
kelanman nag-isip ng masama laban sa’yo. Hindi ko kelanman inisip na sakyan ang
kalokohan ng mga kaibigan ko dahil noon pa mang mga panahong yun, gusto na
kita…”
“Don’t you dare
lie to me Sean! I heard it –“
“You heard what?
What are you talking about Ruthie?”
“I heard you and
Faye talking about me and the bet, okay? She recorded your conversation on her
phone kaya ‘wag ka nang magdeny pa.”
“Ruthie, I swear I
don’t have any idea about a bet or anything related to that. I’ll talk to
Faye..in fact, let’s go and talk to Faye right now para maniwala ka na hindi
kita niloloko…”
“Mas lalo mo lang
ididiin ang sarili mo sa mga panloloko mo. There’s nothing you can say to make
me believe you again, asshole!” yun lang at binirahan na siya nito ng alis.
Nagmadaling pumasok ito sa loob ng bahay nila at pabagsak na isinara ang gate.
Magkahalong frustration at worry ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. She has to believe me…
“Hello, Faye?”
“O Sean, what’s
up?”
“We need to talk,
right now. Where are you?”
Pagdating ni Faye
sa ice cream parlor kung saan sila nagkasundong magmi-meet ay agad niyang
inusisa ito. “Wait, let’s sit down and order first. I’m hungry eh,” sawata nito
sa kanya. Pinagbigyan na lang niya ito at naghintay hanggang makaalis ang
waiter na kumukuha sa order nito.
“Now, what seems
so urgent at atat na atat kang mag-usap tayo?” baling nito sa kanya.
“Just what did you
tell Ruthie, Faye? Galit na galit siya sa akin dahil nalaman niyang
pinagpustahan lang daw namin siya ng mga kabarkada ko? And what’s this about a
recorded conversation huh?”
“Okay, I admit, I
did warn her to not get too caught up in her emotions, especially since hindi
hindi ka pa naman niya kilala talaga. I told her that maybe you were not
serious about her and that she’s far from the type of girl that you would
like…”
“Why in hell would
you say that to her?!?” hindi na napigilan ni Sean ang pagtaas ng boses niya.
“Look
Sean, you were not exactly very vocal to us about your feelings for her. All
you told us was that she’s a friend. .and then you started going out with her
without elaborating anything about it to us, your friends. Naturally, we
assumed that you were just playing her because she’s naïve and well, a loser.
And that recorded conversation she was talking about, I accidentally recorded a
conversation we had about me telling you to make a bet between you and your
friends. I clearly didn’t hear any objection on your part. In fact, you laughed
pa nga at my suggestion,” wala ni katiting na remorse na makikita sa mukha ni
Faye sa ginawa nito.
“Faye
I know we’re friends but I didn’t give you permission para pakialaman at sirain
kami ni Ruthie.” Sa sinabi niya’y natahimik ito, halata ang pagkapahiya sa
mukha nito. Sa galit niya’y hindi na niya napigilan ang sariling ibuhos ang
galit dito.
“You
are too presumptuous para isiping may karapatan kang sabihin ang opinyon mo sa
kanya. Hindi ako nagkukwento sa inyo because I know how superficial you guys
are and I know Ruthie will not appreciate being in your company.” Hindi ito
nakasagot sa kanya, bagkus ay parang maiiyak na ito sa pagkapahiya.
“This
is CLEARLY all your fault but you know what? Alam ko namang hindi mo babawiin
ang mga sinabi mo sa kanya considering the bitch that you are, so this
conversation is pointless,” yun lang at iniwan na niya ito. Wala na siyang
pakialam kahit pinagtitinginan na sila ng ibang customers, ang tanging nasa
isip niya ay kung paano kukumbinsihin si Ruthie na maniwala sa kanya.
Sa
loob ng halos dalawang lingo ay wala siyang tigil sa pagbabakasakaling
kakausapin siya ni Ruthie. Ngunit sa tuwina ay bigo siya. Hindi niya
matiyempuhang nag-iisa ito, at palagi na ay matatalim na mga tingin ang
ipinupukol nito sa kanya kapag nagkakatagpo sila. Pati mga kaibigan nito’y tila
naniniwala ring niloko niya lang ito. Kahit pinupuntahan niya ito sa bahay ay
hindi pa rin siya hinaharap nito. Katulad na lamang ng gabing iyon, bigo na
naman siyang kausapin ito.
“Bro,
maybe it’s time for you to give up,” ani Roy na sinamahan siyang pumunta roon.
“Bro,
I didn’t even get to tell her my side of the story. She needs to know that
everything was because of Faye and her schemes. I really love her ‘bro,”
matamlay na sagot niya dito.
“’Wag
kang magagalit sa’ken ‘bro ha, but I was just thinking, maybe she really
doesn’t really love you, because if she did, she’ll not give you up that
easily. I mean, look at you, kitang-kita sa hitsura mo na hirap na hirap ang
kalooban mo. Pati ang team nakakapansin na hindi maganda ang performances mo sa
mga laro, tapos palagi kang absent-minded sa klase. Halos araw-araw andito ka,
naghihintay na makausap siya, pero siya maski isang ‘hi’ man lang sa’yo,
wala..If she really loves you ‘bro, I think maaantig siya, kahit konti lang, sa
mga ginagawa mo just to be able to talk to her. Pero, wala eh..tingnan mo,
antagal mo nang pabalik-balik dito ni isang beses hindi ka man lang nilabas.”
Sa
mga sinabi ni Roy sa kanya ay hindi niya maiwasang mapaisip. Yeah, maybe she doesn’t really love me ‘coz
I sure as hell won’t give up on her that easily if the situation was reversed.
Maybe nadala lang siya sa kantyaw ng mga kaibigan niya or sa kakulitan ko kaya
nagkagusto din siya sa akin.
“Alam
mo ‘bro, nagsisimula nang umulan kaya umuwi na lang tayo, balik na lang tayo sa
ibang araw kasi mukhang wala namang Ruthie na lalabas ngayon para kausapin ka.”
Tutol man ang kalooban ay hindi na rin siya nagpilit na manatili pa sa labas ng
bahay nina Ruthie.
Nang
gabing iyon ay hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Roy. His heart
contradicted the possibility but his mind was agreeing to it. Maybe she does love me, but not as much as I
love her, and maybe it really is time to give it up.. sa katagalan ay
napagod na din yata ang utak niya at nakatulugan na niya ang pag-iisip.
Kinabukasan
ay inabangan na talaga niya si Ruthie sa labas ng classroom nito para kausapin
pagkatapos ng klase nito.
“Ruthie,
please, we need to talk,”
“Go
to hell, you asshole,” mahina pero mariin at puno ng galit ang pagkakasabi nito
niyon sa kanya pagkatapos ay nilagpasan na siya nito. Sa ginawa nito’y tila
natauhan siya. This isn’t going anywhere,
sinayang ko lang pala ang pagmamahal ko sa babaeng walang tiwala sa akin at
hindi ako totoong mahal..I give up…
Chapter 7
6 years after…
“Thank you for
calling Compaq Solutions, Mr. Nguyen. Anytime you have trouble with your
office’s network don’t hesitate to call us. Have a great day!”
Masiglang pagtatapos ni Ruthie sa
huling customer na tumawag para sa shift nya. Dalawang taon na syang
nagtatrabaho sa Compaq solutions, una bilang pangkaraniwang technical customer
service support, hanggang sa mapromote syang Senior Technical Troubleshooter,
hanggang sa gawin syang Team Captain at magkaroon ng sariling team na
hinahawakan. Trabaho ng kanilang departamento
ang mag-assist ng mga customers na tumatawag upang ipaayos ang kanilang computer
network systems.
Masasabi nyang
kuntento na sya sa kung ano man ang estado ng buhay nya ngayon. Natuto syang
maging independent, nakapagpundar ng isang
kumportableng apartment, sariling kotse, at paminsan-minsan nakakapagbakasyon
sa ibang bansa. Ang kulang na lang siguro, kung meron man, ay lovelife.
Paminsan-minsan, hindi naiiwasang maisip ni Ruthie si Sean. Simula ng maghiwalay
sila, wala na siyang naging seryosong relasyon pa dahil hindi nya mabigyan ng
tamang panahon at ng sapat na pagmamahal ang mga nagiging nobyo nya. Bagama’t
masaya siya sa pagiging single, minsan ay naiinggit din siya pag nakakakita ng
mga magnobyong sobrang sweet. Tuloy ay napapaisip siya kung kailan kaya ulit
iibig at kikiligin ang puso niya.
“Guys, as you all
know, our company is now part of a bigger and more globally competitive
corporation. Although some of you may still have mixed emotions about the recent
take over that happened, I and all of our bosses assure you that working here
will continue to be rewarding and fun. Under a new management, more
opportunities for learning and for career growth will be presented to you. With
this, one of our new bosses have come, and will personally reassure us that the
recent events are a cause for a celebration. Gentlemen,
and ladies, I would like you all to meet one of the people responsible for the
success of our new mother company. A hardworking and brilliant man who has been regarded as one of the most
mysterious and low profile bachelors in the business world…guys, meet Sean Luke
Hontiveros, one of the Heads of Operations of
Global IT Corporation.”
Hindi
makapaniwalang napapailing na lamang si Ruthie sa narinig. Hindi nya lubos
maisip na ang taong umuokopa pa din ng malaking bahagi ng kanyang puso, anim na taon man niyang hindi
nakita, ay isa na pala sa magiging boss nya. Kelanman ay hindi pumasok sa isip
niya na ang Luke Hontiveros na isa sa mga bagong boss nila ay walang iba kundi
si Sean na minsan ay minahal sya.
“Ladies and
gentlemen, as Mr. Herrera has said, I am Sean Luke Hontiveros and I am one of
the people who will be guiding you through the new system of operations for the
company. You may call me Sir Sean, Sir Luke, or Mr. Hontiveros, whatever you
prefer and whatever is most comfortable to you. Anyway like I said, new systems
will have to be implemented because now that this company is part of a bigger
group of companies, it will be catering to a larger customer base. Our aim
right now is to make this newest addition as equally globally competitive as
its sister companies. However, this is not the time to be discussing boring
matters right?” Pabirong sabi ni Sean.
“I would just like
to welcome you all to the family, and let’s all have a fun yet productive
working environment. Okay guys?” Nakangiting
pagtatapos ni Sean at pagkatapos ay humakbang na paatras upang hayaan si Mr.
Herrera na tapusin ang meeting.
“My gosh Ruthie,
ang bata bata pa nya! At ang gwapo! Gosh nakaka-impress naman na at such a
young age eh isa sa mga big bosses na siya ng isang globally competitive na
kumpanya. For sure, maraming babae ang naghahabol dyan,” bulong ni Lynette, isa
sa mga malalapit nyang kaibigan sa trabaho. Walang kaalam-alam si Lynette na
kilalang-kilala niya ang bago nilang boss. Simula kasi ng nagkahiwalay sila ni
Sean at umalis ito papuntang ibang bansa ay iniwasan na niyang pag-usapan ang
tungkol dito. Ang mga taong naging kaibigan niya mula ng magkahiwalay sila ni
Sean at gumradweyt siya ng high school ay walang alam tungkol sa parteng yun ng
kanyang
buhay.
“Oo nga eh, ambata
pa nya. Siguro talagang magaling siya,” sagot na lang niya kay Lynette para
hindi na humaba pa ang usapan
at baka mapansin pa nitong natetensyon siya sa mga pangyayari. Hindi niya alam
kung nakita ba siya ni Sean o hindi. Alam
kaya nitong dito ako nagtatrabaho o
nagkataon lang talaga? Ni sa hinagap ay hindi pumasok sa isip nya na
magkikita pa silang muli, at sa ganitong pagkakataon pa. Naaalala pa din niya
kung ano ang nangyari noong huling araw na magkasama sila, nung araw na una
silang nag-away at nakipaghiwalay siya dito.
Nagmamadaling
naglalakad papunta ng kanyang cubicle si Ruthie ng umagang yun. Late na siya ng
sampung minuto at nagkataong may meeting silang team captains kasama ang
kanilang operations manager. Kahit mabibilang lamang sa isang daliri ang mga beses na nahuhuli sya
ng pasok ay iniiwasan pa din nyang madumihan ang kanyang work record, lalo pa
at maraming mga pagbabago ang nangyayari sa kumpanyang pinagtatrabahuhan nya,
isa na nga duon ang mga bago nilang bosses.
Habang naglalakad
ay tumunog ang cellphone nya. Nang hindi niya mahagilap agad ang cellphone ay
nakayukong binusisi na niya ang bag upang hagilapin ito. Hindi na tuloy niya
napansin ang taong nakatalikod sa harapan nya. “Ay!” impit na tili niya ng
bumangga siya at napasubsob sa likod ng taong yun.
“What the…”
Bulalas ng lalaking nakabangga niya sabay harap sa kanya.
“Sorry, pasensya
ka na, I wasn’t looking at where I was going..” paumanhin ni Ruthie sa
nakabangga nya.
“Obviously, or you
wouldn’t have crashed into my back…Ruthie??”
“Sean…I mean, Mr.
Hontiveros…Again sir, I apologize,” yun lang at nagmamadali na siyang
umalis papunta sa kanyang cubicle.
Naiwang nakamasid na lamang sa kanya si Sean, tila nabibigla pa din sa
pagkakita sa kanya.
“Ano ba yan, sa
lahat naman ng makakabangga ko, si Sean pa..nakakahiya, bwisit..” bulong ni
Ruthie sa sarili. Bagama’t hindi maganda ang naging paghihiwalay nila nuon ay
inamin na niya sa sariling malaki ang kasalanan niya kung bakit nagkaganun ang
paghihiwalay nila. Nawala ang galit niya dito at napalitan ng panghihinayang ng
isang araw ay magkasalubong sila ni Roy. Kumakain siyang mag-isa noon sa isang
restaurant ng lumapit ito sa kanya. May kakatagpuin daw itong tao ngunit hindi
na dumating kaya’t lumapit ito sa kanya
at nangumusta. Sa pag-uusap niya ay nalaman niyang hindi pala totoo ang mga
sinabi ni Faye sa kanya at wala talagang kasalanan si Sean sa nangyari. Sinabi
din ni Roy sa kanya ang lahat ng ginawa nito para makausap lang siya, hanggang
sa nagpasya itong tumigil na at huwag na siyang gambalain pa. Mula nga noon ay
nabalik sila sa dati, hindi nagpapansinan at parang hindi kilala ang isa’t-isa.
Nung gumradweyt ito sa high school ay tuluyan na niyang hindi nakita ito dahil
ipinadala ito ng mga magulang sa Amerika upang doon na ipagpatuloy ang
pag-aaral.
Hindi makapaniwala
si Sean na makikita nyang muli si Ruthie, sa tagal na panahon na hindi sila
nagkita nito. Hindi pumasok kailanman sa isip nya na sa kumpanyang iyon pala
ito nagtatrabaho. May balak na syang basahin ang 201 files ng mga team captains
at operations managers na imi-meet nya pero naisip nyang ipagpaliban na lamang
yun hanggang pagkatapos niyang makita ang mga ito sa personal. Kung napaaga
lang sana ang pagbabasa niya ng mga 201 files, nalaman na sana nyang isang
empleyado ng kumpanya si Ruthie. Hindi na rin sana siya nagulat ng makita ito.
Noong araw na yun
ay may plano na talaga syang i-meet ang mga OMs at ang mga TCs na sinusupervise
ng mga ito. Gusto niyang maumpisahan na ang pag-iimplement ng mga bagong operation systems at magagawa
lamang niya yun kung imi-meet niya sa lalong madaling panahon ang mga ito.
Gusto rin tuloy niyang makilala ang mga ito at maobserbahan kung ano ang
working atmosphere between the team captains and their operations managers.
Hindi niya inaasahang sa pagkikitang muli nila ni Ruthie kanina ay tila mas
ina-anticipate na niya ang meeting at ang makita muli ito.
“Hello Ruthie,” bati ni Sean sa kanya. Sa
pagkagulat nya’y nabitawan niya ang plastic cup na hinahawakan at napaigtad ng
marinig ang pamilyar na tinig na yun sa kanyang likuran. Ilang araw na rin ang
nakakalipas mula ng nagkabungguan sila, ngunit ngayon lang ulit sila nag-abot
sa iisang lugar. Sinasadya nyang iwasan ito sapagkat saloob-loob nya’y hindi pa
sya handing harapin ito. Gusto sana nyang maging indifferent kapag nagkaharap
na silang muli, sapagkat ganun ang turing nito sa kanya. Kung pagbabasehan ang
pagtrato nito sa kanya nuong araw ng meeting ay masasabing tila nakalimutan na
nito ang naging relasyon nila six years ago. She could not feel any special
treatment from him at all. When he met with them, he was cool, confident and authoritative,
like the boss that he is. Although he
was not the very friendly kind, he was nice enough, yet his presence was always
intimidating to his subordinates. Noong
natapos ang naturang meeting ay ni hindi nga siya binati nito. He just praised
everyone for a productive meeting and left without another word.
Napakalaki na ng
pinagbago nito. Bagama’t ngumingiti at tumatango man ito sa lahat ng mga
empleyado, nananatiling pormal ang anyo nito. Hindi na nya makita ang Sean na
palangiti at approachable. Parang ibang tao na ito, kaya naman ay hindi na niya
alam kung paano ito pakikitunguhan. Sa totoo lang, natatakot syang baka
mahalata nitong mahal pa rin niya ito. Utos na rin ng kanyang pride na umaktong
wala na itong puwang sa puso niya dahil alam nyang ni katiting ay wala na itong
pagtingin sa kanya.
Ngayon ay nandoon
ito at tanging silang dalawa lamang ang tao sa loob ng pantry sa kasalukuyan.
Katatapos lamang nyang magcoffee ng pumasok ito at batiin sya. Buti na lang tapos na akong magkape kaya
pwede na akong hindi magtagal dito.
“Hello Sir,”
ganting bati niya.
“So, how have you
been? Kung hindi pa tayo nagkabungguan nuong isang araw ‘di ko pa malalaman na
isa ka pala sa mga team captains dito, and an excellent one at that, from what
I hear,” umpisa nito.
“Oo nga sir eh, I
was also surprised when I found out you are one of our new bosses. I didn’t
realize that the Luke Hontiveros our supervisors were talking about was you,”
aniya rito.
“Well, Sean Luke
Hontiveros is my full name. Haven’t I told you that before?” tanong nito sa
kanya.
“Hindi eh, I
always thought you only had one first name,” sagot naman nya rito.
“That’s okay.
There are a lot of things about me you still don’t know. I was just surprised,
considering what we once had…I expected that you at least made the effort to
find out more about me, even if it was just my full name,” makahulugang sabi
nito sa kanya.
“Well…” wala syang
maisip isagot dito. Sa tono nito’y parang may konting panunumbat ito sa kanya,
ng dahil lamang sa hindi niya nalaman ang buong pangalan nito. Hindi naman siguro, parang ambabaw naman
kung ganuon…Dahil wala ng maisip isagot, minabuti na lamang nyang magpaalam
at idahilang matatapos na ang kanyang breaktime.
“Uhm, Sir, excuse
me ha. I gotta go, patapos na kasi ang 30-minute break ko eh,” paalam nya
ditto.
“Oh, okay then.
Keep up that excellent performance,” papuri nito sa kanya.
May panghihinayang sa kanyang puso habang
binabalikan nya sa isip ang pag-uusap nilang yun. Talagang wala na syang pagtingin sa akin, ni hindi nya man lang ako
sinaway na tawagin na lang syang ‘Sean’ for old times’ sake. Saloob-loob
nya. Gaga ka ba? Syempre kelangan ‘Sir’ ang tawag mo dun, eh
boss mo yun eh! Kontra nya sa sarili nya.
Pasara na ang
elevator door ng marinig ni Sean ang isang pamilyar na tinig ng isang pahabol
na babae.
“Please keep it
open!” ani Ruthie na lakad-takbo upang habulin ang papasarang elevator.
Pinindot naman ni Sean ang ‘OPEN’ button ng elevator upang panatilihin itong
nakabukas. Dahil nasa gilid at nakasandal sa dingding ng elevator ay hindi siya
nakikita ng kung sinuman ang nasa labas.
“Hay salamat
nakahabol din! Thanks…Sir Luke.” Hindi na nabigla si Sean ng makita sa mukha ni
Ruthie ang pagkabigla. Nitong mga nakaraang araw na nagkakatagpo sila at hindi
maiiwasang nagkakausap ay halata nyang naiilang ito sa kanya. Nararamdaman din
nyang umiiwas ito sa kanya, kung bakit ay hindi nya alam. Hinuha niya ay baka
galit pa rin ito sa kanya dahil sa inaakala nitong pustahan niya at ng barkada
niya. Masakit sa kanya ang mapagbintangan ni Ruthie ng ganun pagka’t kailanman
ay hindi pumasok sa isip niya ang lokohin ito. Mahal na mahal niya ito noon, at
maging hanggang ngayon ay inamin na nya sa sariling mahal pa rin niya ito. Dati
ay ipinangako niya sa sariling gagawin ang lahat makalimutan lamang ito. Akala
nya ay nagawa na nya yun, sapagkat sa loob ng anim na taon, sadyang ginawa
nyang abala ang sarili sa pag-aaral, sports at ng maka-graduate, sa trabaho.
Mayroon din siyang ilang mga naging girlfriends, ngunit hindi nagtagal ang mga
yun. Napansin nyang madali pala syang magsawa sa isang relasyon kaya’t isa o
dalawang buwan pa lamang niyang nagiging nobya ang isang babae ay tinatabangan na agad siya kaya ganuon na
lamang kung magpalit sya ng girlfriends. Sa loob ng panahong iyon, minsan
lamang pumasok sa isip niya si Ruthie. Oo nga at dinamdam nya ng halos isang
taon ang pakikipaghiwalay nito sa kanya ngunit nakamove on na siya sa bahaging iyon ng kanyang buhay. Or so I thought, sabi ng isip nya.
Ngayon nga ay
kaharap niya ito, kasama sa trabaho. Tila sinusubukan ng tadhana kung gaano
katibay ang kanyang damdamin para dito, at tila talo na agad siya pagdating sa
larong yun dahil ilang araw pa lamang nya itong nakikita at minsan pa lamang na
nakakasama ay bumalik na agad ang dati nyang pagtingin dito.
“Good morning
Ruthie,” pormal nyang bati rito.
“Good morning
Sir,” ganting bati naman nito sa kanya. Ilang sandaling namayani ang
katahimikan sa loob ng elevator. Silang dalawa lamang ang sakay, at kapwa sila
walang masabi sa isa’t-isa. Kaandar pa lamang ng elevator ng biglang umalog ito
ng malakas at nawalan ng ilaw.
“What the?!?”
bulalas nya sa pagkabigla.
“Ruthie are you
alright?” tanong niya dito habang kinakapa kung nasaang parte ito nakapuwesto
sa loob ng elevator. Tila pareho ang iniisip na nilabas nila ang kanya-kanyang
smartphones at pinagana ang flashlight app duon upang lumiwanag ang paligid.
“Don’t worry,
power will be back any second now. Nagkaroon lang siguro ng unscheduled power
shortage,” pagbibigay assurance nya dito.
“Siguro nga,”
sagot naman nito sa kanya. Dahil wala ng masabi sa isa’t-isa ay namayani ulit
ang katahimikan. Lumipas na ang ilang minuto ngunit hindi pa rin umaandar ang
elevator at nagsisimula na syang mainip.
“What’s taking
this so long?”
“Oo nga, bakit ang
tagal? Hindi naman kadalasang ganito katagal ang power outage kapag inire-ready
ang generator,”
Bagama’t medyo
naiinip na ay naisip nyang minsang lang dumarating ang mga pagkakataong ganito
kaya dapat lang sigurong samantalahin niya iyon.
“So, how have you been
Ruthie?”
“I’m good, sir.
Ikaw, kumusta naman?”
“Well, as you can
see, I’ve become quite an accomplished person,” himig-pabiro niyang sagot dito.
“Oo nga eh,
napaka-successful mo na ngayon sir. Sabagay, hindi naman yun nakakagulat dahil
kahit noon pa, alam kong matalino ka at malayo talaga ang mararating mo,”
“Thank you, I
didn’t know you thought of me that way. By the way, stop calling me Sir here,
tayo lang namang dalawa.
“Pero boss ko kayo
Sir Luke,” kontra nito sa pakiusap nya.
“Yes I know, and
it doesn’t mean that we’ll forget that fact. Just drop the formalities for now.
As I recall, you even once called me an asshole before,” may himig sarkasmo sa
tinig nyang hindi nya napigilang lumabas. Wala naisagot si Ruthie sa tinuran
nyang yun. Bigla na itong tumahimik at sumeryoso pati ang mukha. Maya-maya ay
nagsalita uli ito.
“Uhmm..about that
Sir..i mean, Sean..I want to apologize for putting the blame on you sa mga
nangyari years ago..and I’m sorry for calling you an asshole..”
Nabigla man sa
apology nito ay hindi napigilan ng puso niya ang matuwa. “Dare I ask what
brought on this apology?”
“Nagkita kami ni
Roy, a few years back. Nagkamustahan, nagkakuwentuhan, hanggang umabot sa’yo
ang topic, sa nangyari sa’tin.Sinabi niya sa akin kung ano talaga ang nangyari,
and I realized, I was more at fault kaya nangyari ang nangyari,”
“Well, I’m a
little offended that you would trust your ex-boyfriend’s bestfriend more than
you trust your ex-boyfriend. Nevertheless, that’s all in the past,”
“Sorry again,”
“Hmm, I’ll only
accept your apology if you agree to be friends again,”
“S-sure..let’s be
friends again..”
“Good! Then as
friends again, let’s celebrate and have lunch later, my treat,” nakangiting aya
niya rito.
“S-sige, lunch
sounds good.”
“Great! Now all
that’s left for us to do is get out of this damned elevator and finally get
some work done,” aniya rito. Hindi man niya ipinahalata rito ay tila lumukso
ang puso niya ng tanggapin nito ang alok niyang pakikipagkaibigan at ng pumayag
itong maglunchbreak kasabay niya.
No comments:
Post a Comment